Chapter 54

2.4K 68 36
                                    

I will chase you.

Chapter 54


Naalala ko noong mga panahong hindi ko pa alam ang dahilan bakit kami umalis ng Mirant.



Nangako akong hinding hindi ko siya isusuko. Nangako akong mamahalin ko siya at hindi ko siya iiwanan kahit na anong mangyari.



But when reality strikes, you have to give up all the reasons you created.



Hindi magiging sapat ang mga rason mo para doon, lalo na kung may mga masasaktan sa paligid.



Hiniling ko noon na sana... Kaya kong baliin ang realidad.



Hiniling kong sana may lakas ako ng loob para mahalin siya at ipaglaban siya kahit na may mga masasagasaan akong ibang tao.



Pero wala, eh. I can never lose my logic. I'm bound to comply with the rules.



That is to give up. For the better... Atleast that's what I know.



That's just part of loving. Right? You have to give things up.



Sometimes... You even have to give them up.



Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko, "Go home, Stanley."



"Aemy pakinggan mo naman—"



"Please..." umiling ako, "Just go," binuksan ko ang pintuan ng kotse at agad pinatunog ang makina.



Tumulo agad ang mga luhang kanina ko pa kinukulong.



Give this one up, Stanley. Kailangan natin iyon pareho.


.....



"Douche! Namimiss mo lang si Aemy, eh!" narinig kong sigaw ni Lheoj kay Onixx sa kabilang linya.


Ilang linggo na ang dumaan nang makabalik ako dito sa Baguio. Nasa Kaffeeklatsch ako ngayon para mag-isang mag-set.



"Gago ka, Lheoj! Tumahimik ka dyan!" humalakhak siya, "Aemy? Nandyan ka pa ba?"


"Yep... Sige na, Onixx. Kita nalang tayo kapag nakabalik na kayo dito. Start na ako sa set," pagpapaalam ko.



"Sige, Aemy. Ingat ka sa pagdadrive mamaya pauwi. Huwag mong idadaan sa Assumption Road iyang kotse mo, ha? Alam mo naman, maraming rambol do'n," saglit siyang tumigil, "Text kita mamaya. Galingan mo! Bye, Aemy..."



"Copied," Napangisi ako, "Bye, Onixx."


Agad kong pinatay ang tawag. Nang makita kong 1% battery life nalang ay nagpasya akong i-off iyon.



"Bakit ba naman kasi hindi ka nagcharge, Aemy." sisi ko sa sarili ko.



Dinungaw ko ang hitsura ko sa salamin. Inayos ko ang alon ng buhok kong hanggang baywang.



Naka-fitted blouse lang ako at pastel green cardigan. Black skinny jeans at black ankle boots.



Kahit na nakapagperform na ako sa stage dito ay kinakabahan pa rin ako. First time ko mag-set nang mag-isa.



Saglit kong inilapit ang tenga ko sa pader para marinig kung marami na bang tao. Nasa backstage kasi ako ngayon.



Napakunot ang noo ko nang wala akong daldalang naririnig. The usual chitchats of the guests.



Sweet Serendipity (Sweet Series Book 1)Where stories live. Discover now