Chapter 24

2.3K 79 24
                                    

I don't get you.

Chapter 24

"Hindi ako marunong kumanta," Sagot ko.



"Liar," Bahagya siyang ngumiwi.



"I said I can't," sagot ko ulit. Tumayo ako pero humarang siya.



Kahit saang direksyon ako humakbang, sumusunod siya. Para tuloy kaming nagpapatintero.



"You're not a good liar,"



"Parang kang bata! Tabi nga d'yan!" Iritable na ako kanina pa at sa tingin ko maha-highblood na ako.



Huminto ako at humalukipkip. Itinapat uli niya ang gitara sa mga mata ko.


"Just one song," Iniwas niya ang gitara niya sa mukha ko at laking gulat ko nang yumuko siya nang kaunti at mukha na niya ang nakatapat sa akin. Bumilog agad ang mga mata ko.



"Please? One song. Ihahatid na kita after you sing one song. Kahit... Ano," sabi niya. Halos pabulong.



Binaba niya ang kanyang gitara. Umirap uli ako sa kawalan bago nagdesisyong umupo ulit. Inagaw ko ang gitara sa kanya.


After how many years, ngayon lang uli ako tutugtog.



Nawalan ako ng oras para sa music pagkatapos mag highschool. Nakukuntento na ako sa pakikinig at pagdalo sa mga concert pero iyong sarili kong talent para dito, napabayaan ko.



Magmula no'ng hindi na ako nakakatanggap ng CD galing sa isang misteryosong lalaki na buwan buwan kung magpadala, parang hindi na ako nakahanap ng insperasyon para magpatuloy.



Second year ako noon sa high school. Inaabot iyon sa'kin ni manang sa tuwing ika-18 ng bawat buwan. Sa tuwing i-aabot niya ay parati niyang sinasabi na pakinggan kong mabuti ang mga naka-record doon.



Akala ko tuloy dati kay manang galing iyong mga 'yon pero sa cover ng mga CD ay may initials na "E.M."



Nalaman kong lalaki ang nagpapadala dahil sa mga kantang naka-record na napagtanto kong siya rin ang boses na kumakanta.



I got hooked with all of it. I always end up listening to them when I'm sad. That guy's voice cheers me up. Even though I have no idea where the CDs came from or who is he.



Gustuhin ko mang magpasalamat, walang return address na nakalagay. Huminto ako sa pakikinig sa mga CD na iyon pagkagraduate ko ng highschool. Naging busy ako nang sobra sa college.



Ini-strum ko ang gitara. It's been awhile. I missed this.




Ini-angat ko ang tingin ko sa nasa harapan ko na mukhang seryosong nakikinig sa akin.




"Huwag mo akong tatawanan kung sintunado ako, okay? Lagot ka sa'kin pag ginawa mo 'yon." Umirap ako at nagpatuloy sa pag-strum.



"I know you're not," sabi niya nang wala sa sarili. His attention is all on my hand while I'm strumming.



I cleared my throat. My eyes are on him.



Hindi ko alam pero may kung ano sa sistema kong nagsasabi sa akin na ituon ko sa kanya ang pansin ko. Na sa mga mata niya dapat ako tumingin.



"Broken on the ground silence all around..
Thinkin' to myself never ever
Wanna be found..
Not now.."



Sweet Serendipity (Sweet Series Book 1)Where stories live. Discover now