Chapter 44

1.8K 63 21
                                    

He wouldn't mind.

Chapter 44


"Tinext ko sina Onixx. Baka sumunod sila. Tapos na gig sa Ampersand, e," utas ko.



"Sure! Uhm, Aemy... Sigurado ka bang hindi ka na muna uuwi?" tanong ni Allan.



His attention is buried to his boyfriend though. Nasa counter si Jaycee at nag-oorder ng coffee para sa aming tatlo.



Nandito kami sa Kaffeeklatsch ngayon. Ala-una na ng madaling araw.



Inihatid lang namin sina mommy sa condo unit ko sa Gibraltar, pagkatapos no'n ay dumiretso kami dito.



The night is still young. Besides, this is Baguio City.



You wouldn't want to go home not until Session Road turns off its main lights.



Ber-months na rin ngayon. Malamig na malamig na kaya't sa ganitong oras, maraming laman ang mga coffee shop. Kahit mga party house ay punuan.



"I don't know yet," iginala ko ang paningin ko sa buong coffee shop, "nasanay na ako sa lamig ng Baguio. Maybe after a month or two," bumaling akong muli kay Allan.



Umupo na rin si Jaycee sa harap namin dala ang isang tray na may tatlong grande size coffee. Ngumisi ako sa kanya.



"Nasanay sa lamig ng Baguio o nasanay ka nang kasama si..." sabi ni Allan. I sensed his mockery.



"Shut up. You crazy. Uuwi ako," inirapan ko siya. I sipped my coffee.



"Kailan ka nga ba uuwi? Nagkakaroon ka ng karibal sa bestfriend mo 'di mo ba alam? Iyong hinire mong alternate manager ng FG Travels close na close na kaya kay Allan!" untag ni Jaycee. Humalakhak siya pagkatapos. Kinurot siya ni Allan sa tagiliran.



"Oh edi mabuti!" Humalakhak din ako, "basta ba masusundo siya ng bago niyang bestfriend kapag nagpakalasing siya sa bar," sabay kaming tumawa ni Jaycee. Inirapan ako ni Allan.



A week before I left for Baguio, nagpahanap ako ng alternate manager para sa FG Travel and Tours.



I can't give up my business. I can't give it up kahit malayo ako sa Alaminos. So I decided to hire an alternate para masamahan si Allan.



I decided to leave temporarily. Just until I'm ready to face that old place again.



Unfortunately... Dalawang taon na ang nakalipas, hindi pa rin ako bumabalik. I guess I wasn't ready yet.



Or I was... Natatakot lang ako sa mga pwede kong maabutan. I'm afraid of changes.



Culture shock. Hindi biro ang dalawang taon. Alam kong maraming nagbago sa uuwian ko.



"So..." Tumikhim ako, "Kamusta na ang FG? Malakas pa rin ba ang kita? I heard mas developed na ang Hundred Islands ngayon. Magdagdag kaya tayo ng travel packages for tourists? What do you think? I can canvass for brochures while I'm here," I suggested.



"Nako beng, don't worry about it. Yakang yaka na namin ni Paris 'yan. Inspired ang lola mo kaya ganadong ganado magtrabaho!" Tumawa si Allan.



"Really? That's good. May dini-date? Noong hinire ko siya nabanggit niyang hindi pa siya nagka-boyfriend ah?" Sagot ko.



"Why don't you ask Vince? Sinusundo niya lagi si Paris sa FG," singit ni Jaycee. He wiggled his eyebrows.



Sweet Serendipity (Sweet Series Book 1)Where stories live. Discover now