Chapter 57

2.3K 60 35
                                    

Don't dare wear

Chapter 57



Kung bakit ko nagawang iwanan siya noon ay gustong gusto ko nang pagsisihan ngayon. Nagtatalo ang isip at puso ko sa mga rason na binuo ko dati.



Pero hindi na ako dapat pang mangamba ngayon, hindi ba? Kasi bumalik na siya. Nandito na siya ulit... Pagkatapos ko siyang talikuran noon ay nandito siya ulit para sa akin.



Tinatanong ko ang sarili ko kung anu-anong mabuting nagawa ko para ibigay siya sa akin ng nasa itaas. Sobra sobra siya para sa hiniling ko noon. Sobra sobra siya para sa inasahan ko.



"There. Much better," inayos niya ang nilagay niyang neck pillow sa headboard ng inupuan ko, "Next time maglagay ka agad ng ointment," napangiwi ako. Hindi naman na kailangan itong neck pillow pero nagpumilit siya.



Pinaandar na niya agad ang kotse niya. Mabuti nalang at wala nang traffic. Binabaybay na namin ang kahabaan ng Session Road. Alas-dose na ng hating-gabi.



"Ikaw ang may sugat sa labi. Hindi ba dapat mas inuuna mo iyan? Simpleng stiffed neck lang naman ito. We should atleast buy you bandage or what before we go home—"



"Galos nga lang," iniliko niya ang manibela saka ako nilingon, "Unless you want to cure it now?" Pinaalon niya ang kanyang dalawang kilay. Inirapan ko siya.



"Baliw," bulong ko sa sarili ko habang tinatanaw ang city lights. Tinago ko ang nagbabadyang ngiti.



"Baliw sa'yo," nalingunan ko siya agad na matamang nakatingin din sa daan. Sumulyap siya ng split seconds at mahinang ngumiti.



"Ayaw mo talagang bumili ng betadine man lang?" tanong ko ulit. Determinadong magamot ang sugat sa labi niya. Hindi ko pinansin ang banat niyang nakapag-painit ng pisngi ko.



"Yea. I'm fine, Aemy. This is just nothing," sagot niya nang hindi nakatingin.



Ayaw niyang dumaan sa kahit anong drugstore. Sinabi ko namang ako nalang ang bababa para bumili pero mas lalo lang siyang nadismaya na ihinto ang kotse niya.



Thirty minutes lang kaming dumaan kina Allan at Jaycee. Nagpasya ako agad na umuwi para makapagpahinga na rin dahil sa pagod. Ang sakit pa ng leeg ko. Gusto ko rin magamot na agad ang galos niya pero wala akong nagawa. He's too stubborn.



Ilang sandali pa ay nasa tapat na kami ng condotel. Bumaba ako agad. Bahagya kong ininda ang sakit ng leeg ko. Hindi ko matandaan kung bakit ako nagka-stiffed neck at asar na asar ako sa sarili ko.



Dumiretso ako sa main door ng building habang hinihimas ang parteng masakit. Inaalala ko kung may ointment pa ba ako sa unit ko o kahit man lang salonpas nang matauhan akong may kasama nga pala ako. Hindi ko siya hinintay! What the hell, Aemy?



Huminto ako agad at nilingon siya. Nakabulsa ang isang kamay niya habang ang isa ay nakahawak sa labi niyang may sugat. Nakayuko siya at dahan-dahang naglalakad.



Nang nag-angat siya ng tingin ay agad niyang tinanggal iyon. Tumuwid ang lakad niya.



"Oh?" lumingon siya sa likuran niya, "You forgot something?"



"No," umiling ako, "Unit 214, right?" tanong ko.



"Yea," kumunot ang noo niya at hinaplos niya ang kanyang batok. Kinagat niya ang kanyang labi nang tumapat na sa kinatatayuan ko.



Sweet Serendipity (Sweet Series Book 1)Where stories live. Discover now