Chapter 15

3K 113 41
                                    

Make haste with that.

Chapter 15

I thought I needed to do series of long explanation in front of my friends.
I thought I'm going to hear rants and questions like..



Bakit mo kilala si Stan?
Bakit bitbit nya 'yang wayfarer mo?
Paano niya nalaman na nandito tayo?



Well, guess what?



Nung huminto ang kanyang BMW sa harapan naming tatlo, do'n sa may buhanginan, eh parang ini-anticipate na ng dalawa na pupunta siya dito. Saya diba?



Flashback: 1hour ago



Huminto 'yong puting BMW mga ten meters mula sa buhanginan kung nasaan kaming tatlo. Bumusina siya bago bumaba kaya bumalikwas agad ang dalawang kasama ko.



Tumayo si Jaycee na parang walang lang. Na parang inasahan niya talagang dadating 'tong Montemayor na 'to. Si Allan naman ay malapad ang ngisi noong tingnan si Jaycee.



"Finally, good thing he installed GPS in his car. Or else nawala siya."



Guhit na guhit sa mukha ko ang pagtataka, pagkainis, pagkagulat, pagkamangha, lahat na! At lahat ng emotions na 'yan ay nasa superlative form.



I don't exactly know what surprised me. Is it because he's here?



Is it because he drove his car in this goddamn sand and made every fucking people near the seashore pave way just so he can go on and park his car here?



OR IS IT BECAUSE THESE TWO FRIENDS I HAVE HERE ACTED LIKE THEY WERE ACTUALLY EXPECTING THIS MONTEMAYOR GUY?



Probably yes! Ugh! Oo. Ako lang ang nasorpresa. Ako lang ang bumilog ang mata. Ako lang ang slighty nag hyperventilate. Ewan ko basta nag-hyperventilate ako lalo na noong bumaba ang ungas sa kotse niya.



May mga narinig akong tumili. Hindi ako sigurado kung saan galing iyong mga tiling 'yon basta meron akong narinig.



May babaeng akala mo'y hindi naririnig ng ibang tao no'ng sumigaw siya. "Artista ba 'yan?! Maine tignan mo oh may arista ata!"



Anong artista kayo dyan?! Mukha lang siya maayos tingnan pero saksakan ng sungit! Ang sama ng ugali!



Naka wayfarer siya no'ng bumaba siya.



Wait. Parang ano, ah? Akin yan, ah! Aba't!




Naka-gray fitted shirt siya, may sukbit siyang maliit na parang gym bag, at, at... Teka?!



Why on earth is he wearing a black and white floral beach shorts?! May balak ba 'tong magtagal dito at sumama sa napaka-peaceful na three-day vacation ko?! Aba nangaasar talaga 'tong hayop na 'to ah!



Naglakad si Allan at si Jaycee papunta sa BMW niya at nakipag hug at beso. Naiwan akong nakaupo sa sarong at nakatanga.



Teka, at bakit sila close?! Pag close lang dapat may ganoong gesture tama? Ako lang ba ang hindi na-inform na close na sa dalawang 'to ang kambal na Montemayor?!



Sa dami ng tanong ko sa utak ko napapikit na lang ako at napailing.



Nagmartsa sila sa compartment ng kotse no'ng kumag. Humilig ako nang kaunti. Kunot noo kong sinilip kung anong kinukuha nilang tatlo.



Sweet Serendipity (Sweet Series Book 1)Where stories live. Discover now