Chapter 18

2.8K 104 48
                                    

The girl I'm courting

Chapter 18


"Ahr- Ahh- Roh- Sip. Ar-arosip."



"Ehr- Ehh-Row- Sit. Erererowsit."



"Mali!" Napabuntong hininga si Allan. "Kumain ka na nga lang Stan jusko sasakit ulo ko sa'yo eh," Dugtong niya. Tumawa si Jaycee sa harap ng dalawa. Napangiwi ako ngunit ipinagpatuloy ko ang pag-kain.



"But is this thing really edible?" Tanong niya na may mukhang punung-puno ng pagtataka.



Ini-angat niya ang nasa pinggan at sinuring maigi.



Sumagot ako na may halong pagkainis. Oo, medyo nakakainis. Seaweed iyan na nakakain at si Tyang Remy ang naghanda, bakit naman hindi makakain?



"Ofcourse. Anong akala mo sa Tyang Remy? Hindi naman niya tayo ipagbabaon ng hindi nakakain." Inirapan ko siya. Seryoso ba siya do'n? Kung ayaw niya kainin 'wag na siya magtanong.



"Stan," Natatawang banggit ni Jaycee, "This is, uhh. Basically this is a kind of seaweed. It's just that, this is only seen usually in Northern Luzon. Kaya siguro hind ka familiar." Ngumisi siya sabay sumubo ng inihaw na isda.



Napasinghap ang mokong. Bakit ba kasi hindi nalang niya tikman para malaman niyang masarap. Napaka arte. Kung girlfriend lang ako nito, matututo siyang kumain ng mga ganitong pagkaing dagat.



Anong sinabi mo, Aemy?! Tigilan mo 'yan!



"Stan just try it. It's good. C'mon. Minsan kalang makakatikim ng ganiyan. Dito lang sa isla. Sa Alaminos City madalang din iyang ganiyang seaweed," Dagdag ni Allan at tumango tango para mahikayat ang hilaw na amerikano.



"Alright."



Kinuha niya ang isang hibla ng seaweed. Piniga-piga niya ang butil na nakapaligid doon 'saka niya isinubo. Hindi naman ganiyan kumain ng arosip, e.



Inagaw ko ang hawak niyang hibla. Kung hindi siya matututo, ako ang magtuturo sa kanya.



"Hey what are you doing?"



"That's not how you eat it, okay?" Pinutol ko ang isang hibla at aambang isusubo sa kanya.
"Here. Eat the whole thing. Hindi iyong puro butil ang kinakain mo. Sinasayang mo lang."



Napatigil ako nang mapansing nakatingin silang lima sa akin.



Si Allan at Jaycee ay nagpipigil ng ngisi. Iyong dalawang pinsan ko naman ay nagtitinginan.



At ang unggoy, este, si Stan, mukha siyang natatae, mukha siyang nakaamoy ng mabahong bagay. Nakakunot ang kanyang noo at medyo nakaawang ang bibig niya.



Seriously? What is wrong with these people?



What now? What did I do? Tinuturuan ko lang naman 'tong amerikanong hilaw na 'to ah?



"Oh, ano? Kunin mo," Sabay lahad sa kanya no'ng seaweed.



Kinuha niya iyon,"Thought you're gonna feed me." Bulong niya.



Narinig ko iyon! Ha!



"Ano iyon? May sinasabi ka?" Pinaulit ko. Wala lang, gusto ko lang ipaulit.



"I didn't say anything," Sabay subo ng binigay ko. Mukha namang nasarapan siya dahil walang reaksyon sa mukha niya. Pero lagi namang poker face ito, eh. May bago pa ba do'n?



Sweet Serendipity (Sweet Series Book 1)Where stories live. Discover now