Chapter 13

2.9K 114 48
                                    

Tambobong

Chapter 13


"Ate! Nandito na sila kuya Jaycee at kuya Allan! Ang tagal mo grabe!" That's Bella. The ever loud voice of Bella.



"Can't you guys wait?!" Sigaw mula dito sa kwarto. Nasa ibaba na iyong dalawang love birds.



Ngayon na kami pupunta ng isla and here I am... Having this nonsense dilemma. It's so nonsense I can't... Even.



Hindi ako makapili ng sarong. The color green? Or the blue one? Dadalhin ko na nga lang pareho!



Nagmadali na akong bumaba. We will stay there for three days but hell, I think I brought my whole closet. Ang dami kong dalang two-piece at beach whatnots.



Nasa may hagdan na ako at bitbit ang dalawang malalaking cloth beach bag.



"Finally!! What the hell? Isang oras beng. Isang oras kaming nag antay. Ano ba iyang mga dala mo? Parang ang dami eh three days lang tayo," Sita ni Allan.



"Ssh!" Tinaas ko ang palad ko, "I don't want clothes shortage. Thought you know me— ugh! Can you please help me carry my bags? Please beng?" Sabi ko. With my puppy eyes noong nasa ibaba na ako ng hagdan. Um-akting na nabibigatan. But seriously it's heavy. Dami kong dala dala.



Inirapan niya ako ngunit kinuha din naman niya iyong isang bag. Pero iyong mas magaan ang kinuha niya. Kakainis!



Nakangisi lang si Jaycee habang pinapanuod kami.



"Let's go? I borrowed Kuya's Montero. Iyon nalang gamitin natin Aems. Iwanan mo na kotse mo. Siguro naman di iyon sasayad sa medyo lubak na daan no?" Inakbayan niya si Allan at nagtungo na kami sa labas ng bahay.



"Oh okay. Good idea. Medyo mababa iyong kotse ko. Sasayad iyon sigurado." Sabi ko habang sinusuot iyong wayfarer na hiniram ko kay Bella.



Iyong wayfarer ko.



Noong araw na nagtext siya, hindi ko siya nireplyan.


Kahit napangiti ako sa text niyang iyon. At hindi ko parin maintindihan kung bakit napangiti ako dahil doon.



Magulo talaga ako mag isip. Kung ayaw niyang idaan sa office bahala siya. Magpaka-busy siya sa Frontdesk Officer niyang mukhang espasol ang pisngi.



E kung ipakuha ko nalang kay Vince? Tutal nasa iisang workplace naman sila. Mali. Hindi pwede.


Baka pag ginawa ko iyon lalo lang umasa sakin iyong tao kasi humingi na ako ng favor.


"Bella!" sigaw ko.



Nasa labas na sina Allan habang ako ay nasa may gate. Agad lumabas ng bahay si Bella.



"Alis na kami. You call me pag may problema. Okay? Ask manang to cook pag may bisita kayo," Bilin ko sa kanya.


Wala kasi si mommy at daddy. May seminar sila sa Antipolo. Magkatrabaho sila kaya kapag may seminar, silang dalawa ang pinapadala ng kumpanya. Ayan tuloy, maiiwan iyong dalawa kasama si mamang.



She rolled her eyes habang nakahalukipkip siya," Akala ko di ka na magpapaalam. Tss."



"Pwede ba naman 'yon? Come here. Give me some lovin."



"What? Ano ba ate. Just go," Kumunot ang noo niya at ngumuso.



"What? Anong what what? Just because you're 18 now doesn't mean hindi na tayo pwede mag-hug," Lumapit ako sa kanya at pinilit siya yakapin.



Sweet Serendipity (Sweet Series Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon