Chapter 39

1.9K 52 15
                                    

You're a smart girl.

Chapter 39

"You sure about this? Girl, hindi ko talaga alam ang ire-react ko. Naloloka ako ngayon kahit milya-milya ang layo ko sa inyo," utas ni Allan.




Nakatingin kaming dalawa ni Jaycee sa flatscreen dito sa sala ng condo nila.




I asked for a skype session. Pagkatapos kong humagulgol magdamag at gumising ng 11AM ay hindi na ako nag-dalawang isip na puntahan si Jaycee para matawagan namin si Allan. What can I do?





They're the only ones I can talk about what happened. Hindi ko pwedeng sabihin iyon sa mga kapatid ko. Hell no.



Magkamatayan na. I can't let them feel what I felt last night. They're too young.




Technically, legal age na si Bella. She's 18. But I don't think they will understand what my mom did.




Ako nga, eh, wala akong maintindihan kung bakit nagawa iyon ni mommy.




"Babe naman, you think magju-joke si Aems tungkol dito?" Singit ni Jaycee. Hinimas niya ang likod ko.




Napapikit nalang ako at pinigilan ang luhang nagtatangka na namang tumakas sa mga mata ko.




Hinihiling ko mula kagabi pa na sana maubos lahat ng tubig na pwedeng lumabas. Ayaw ko nang umiyak.




Kinwento ko sa kanilang lahat ng nangyari at narinig ko kay daddy at mommy.




They're my bestfriends anyway. At kung hindi ko ilalabas lahat ng hinanakit ko, mababaliw ako. Sigurado 'yon.




"Anong plano mo ngayon, beng?" Dugtong ni Allan mula sa kabilang linya.




Napamulat ako ng mata at napasinghap. Sa dami ng iniisip ko ngayon, wala akong plano!




Wala akong alam kung saan ako magsisimula. Ni hindi ko alam kung saan ako pupunta mamaya kapag lumabas ako ng condo nila. Life! What the hell just kill me now!




"I don't know..." Because I don't really know what to do!



"Girl, nandito lang kami. We will support you. Kahit anong desisyon pa 'yan. Nandito kami, okay?" Sambit ni Jaycee sa tabi ko.



"Naman! Haayyy. Sana pwede akong umuwi d'yan ngayon. Don't worry. Three weeks nalang uuwi na ako beng," sabi ni Allan. Bakas sa boses niya ang pag-aalala.



Sinuklian ko lang sila nang mahinang ngiti. Bilib din ako sa sarili ko at nagagawa ko pang ngumiti.



Ang dami kong iniisip na problema, at nakakatuwang nakakahagip parin ako ng dahilan para ngumiti ng ganito.




That's life's deal anyway. Laugh at your goddamn problems.




Salamat nalang talaga at may mga kaibigan akong mapagsasabihan. Kahit nadudurog ang puso ko ngayon, may dahilan parin ako para masabing hindi gano'n kasama ang naging lagay ng buhay ko.




"Aemy..." untag uli ni Allan. Tinaas ko ang nakayuko kong mukha para tingnan siya.



"So ano? Susundin mo na si Tito Dennis? Lalayuan mo si Stanley?"



Para akong sinagasaan ng six-wheeler truck sa tanong ni Allan. Pakiramdam ko nadurog lahat ng kalamnan ko. Nadurog ang buong pagkatao ko. Pakiramdam ko wala na akong silbi.



Sweet Serendipity (Sweet Series Book 1)Where stories live. Discover now