Just the same feeling.
Chapter 47
"Saan ka na? Nandito na kaming lahat. Ikaw nalang ang wala," tanong ni Onixx sa kabilang linya.
"Labrador na. Block 16 na ako, Onixx. Saglit na lang. Ibababa ko na," tugon ko habang diretsong nakatingin sa daan.
"Oh sige. Huwag kang masyadong mabilis. Ako na bahala mag-explain kay Mr. Montemayor," sagot niya.
"O-Okay. Sige,"
70kph. I'll get this in thirty minutes.
Isang buwan na ang dumaan mula nang magkita kami sa Baguio ni Stanley. Nasa byahe ako ngayon papunta sa bar na bubuksan niya sa Sual. Bukas nang gabi ang opening no'n.
Somehow, I'm proud of him. Noong una palang ay alam ko nang bukod sa pagkanta at pagbabanda, ito ang passion niya, ang pagnenegosyo.
He's into numbers. He's into market strategies and management plans. Kaya siguro ako lalong nahumaling sa kanya noon, pareho kami ng hilig. But I can say that he's more hands-on.
Inaliw ko ang sarili ko sa pakikinig ng EDM habang nasa byahe. Hindi ko maitatagong kinakabahan ako ngayon. Kanina ko pa kinakalma ang sarili ko.
Ito ang unang beses na makikilala ko si Audrey. Hindi na ako muling sumipot sa mga meeting na ni-set nila. Si Onixx o si Asther nalang ang uma-attend. Hindi ko binanggit sa kahit kanino na magkakilala kami ni Stanley. Hindi na siguro kailangan.
Nagpark ako sa harap ng isang malaking bar. Sinisigaw ng napakalaking signage sa bandang gilid nito na pagmamay-ari ito ng isang mayamang tao.
What do you expect? Stanley Earl Montemayor. Mid-20's. Filthy rich.
Bumaba ako sa kotse at inayos ang medyo nakusot na damit ko. Naka-highwaist shorts ako, cropped tank top, at flat sandals. Tinanggal ko ang wayfarer para mas malinaw na mabasa ang nakalagay sa signage.
"Tres Adelphia?" Bulong ko sa sarili ko habang nakatingala sa karatula. Bahagyang kumunot ang noo ko.
Sandali akong napatitig doon sa tatlong hugis rosas sa ibaba ng bilog na logo.
"Rosas?" bulong ko ulit. Pinilig ko ang ulo ko.
"You're here."
Halos atakihin ako sa puso nang may magsalita sa likuran ko. It was the same voice that makes me nervous for the past years.
Nakahalukipkip siya at bahagyang nakakunot ang noo. Tiningnan niya ako mula paa, pabalik sa mga mata.
Those flexed muscles are distracting my eyes. Ibinalik ko ang tingin ko sa itaas na parte ng katawan niya.
Damn that broad chest. Damn it, Aemy. Stop. Lumunok ako bago nagsalita.
"H-Hi! K-Kararating ko lang," ngumisi ako, "congratulations, by the way. Ang... ganda dito. M-Mas maganda at mas malaki kaysa sa Maxine's," Tumingin ako uli sa logo saka binalik ang tingin sa kanya.
BINABASA MO ANG
Sweet Serendipity (Sweet Series Book 1)
ChickLitPublished: September 2, 2015 Book 1 of Sweet Series P.S. This is my first attempt to write a story here so please put up with it. I'm sure there are glitches. I'm trying so hard to fix them. If this one clicks to the readers then I might write a si...