Chapter 25

2.6K 83 23
                                    

We need to talk.

Chapter 25

"Oo na ito na. Say thirty minutes, I'll be there. Hintay hintay lang, okay?" Sabi ko habang inilalagay ang mga ledger sa cabinet. Si Allan ang nasa kabilang linya.



"Alrighty. Ihahatid naman kita beng ano ka ba. Luto na mga food. Pakibilis na. Bye bye. Love you."



"Alright, beng. See you. Love you, too."



Sinikop ko na lahat ng gamit ko at agad na akong bumaba sa parking lot ng opisina. Kaninang 6PM pa naunang lumabas si Allan, nagpaiwan muna ako at ito nga, inabot ako ng 8PM.



Pupunta ako ngayon sa condo unit ng dalawa. Nagluto kasi si Jaycee. Huling dinner kasi ni Allan dito sa pinas, flight niya na bukas palipad ng London.



Mamimiss ko si Allan pero alam na alam kong may mas mangungulila sa kanya, si Jaycee iyon. Ngayon palang nalulungkot na ako para kay Jaycee.

...

"Hi!" Masiglang bati ko sa kanila sabay lahad ng white wine na dala ko. Sinalubong ako ni Allan.



"Finally! Come in!" Salubong niya. He hugged me.



Bumungad sa akin ang mga maleta sa sala at isang backpack. Nasa couch naman si Jaycee habang tinutupi ang ibang damit ni Allan. Bumaling siya sa akin at naglahad ng kamay. I went to where he is sitting and hugged him.



"Wala munang iiyak. Okay? Three months lang iyon," Bulong ko kay Jaycee habang hinahagod ang kanyang likod. Tango lang ang naisagot niya. Agad din naman siyang kumalas sa pagkakayakap sa akin.




"Tara na sa kitchen. Babe, lika na kain na tayo. Naka prepare na ako," Ani Allan na nakadungaw sa may mini bar counter ng unit nila. Hinigit ko naman agad si Jaycee.



Uupo na sana ako nang biglang may nag door bell.



"Oh wait that must be—"



"Ah beng ako na," singit ko. I turned around and hurriedly lead to the door. Agad kong binuksan iyon.



Gulat na ekspresyon ang gumuhit sa mukha ko nang makita si Vince na may dalang lasagna. Bahagya ding namilog ang mga mata niya ngunit agad din naman itong ngumiti.



"Uy, Aemy. Hello," bati niya.



"Ikaw pala, Vince. Eksakto dating mo, kain na. Tara," Inilahad ko ang kamay patungo sa kitchen at agad naman siyang nag martsa papunta kina Allan.



Biglang nag-trespass sa utak ko si Stanley. Dalawang linggo na mula nang nangyari iyon.



Sa loob ng dalawang linggo, hindi ako tinigilan ng utak ko at parang isang sirang dvd player sa pagpa-flashback ng naganap sa Mirant. Napapailing ako madalas nang wala sa sarili pag naaalala ko iyon.



Sa loob din ng dalawang linggo ay dalawang beses ko lang nakita si Stanley.



Sa Bistro, kung saan nang papasok ako para bumili ng cake ay palabas naman siya kaya't nagtago ako sa likod ng sasakyan ko. At sa mall, kung saan nakita ko siyang pumasok sa Globe Telecom Center.



Sweet Serendipity (Sweet Series Book 1)Where stories live. Discover now