I had to lie.
Chapter 22
Paglilihim at pagsisinungaling.
Dalawang magkaibang bagay iyon para sa karamihan. Mas magaan daw kasing kasalanan kapag naglihim ka.
Para sa akin? Magkarugtong lang iyon. Kapag naglihim ka, nagsinungaling kang may alam ka tungkol sa isang bagay. Technically, that's just the same.
Kung magpapaliwanag siya ngayon ayaw ko munang makinig.
Ang ayaw ko sa lahat iyong sinungaling. Kapag nagsinungaling sa'yo ang isang tao, uulit ulitin niya na iyon hanggang sa halos lahat na ng sabihin niya sa'yo, kasinungalingan na.
"Aemy! Sandali! Pakinggan mo muna ako please!"
Hindi ko siya nilingon at diretso lang ang lakad ko papunta sa parking lot nang maalala kong hindi ko nga pala dala ang kotse ko. Nako naman, Aemy!
Tumigil tuloy ako at bumwelta. Ngayon sigurado na akong magtatama ang paningin namin.
Paglingon ko ay nakita ko siyang hingal na hingal at nakatukod ang dalawa nitong kamay sa kanyang tuhod.
"Vince not now. Please din," Lalampasan ko na sana siya nang bigla niyang agawin ang aking braso dahilan kung bakit ako napaatras.
"Vince ano ba?! Huwag ka ngang mapilit!" Hindi ko na mapigilan ang inis ko.
I'm sobbing. I didn't know I'm too shallow until this very moment. Yes, this is too shallow for me to cry but for hell's sake. Hinayaan kong maiyak ako.
Napakalaking epekto ng panloloko sa akin ng ex ko. Pakiramdam ko downgraded ako kapag pinagsisinungalingan ako.
Bakit ba siya nagsinungaling? Hindi ba pwedeng noong una palang sinabi na niya sa akin?
Bakit kailangang magpanggap pa siyang hindi niya ako kilala? Hindi ko maintindihan.
Knowing he's already friends with Jaycee. At magka-building pa sila! Ano iyon? Stalker?
Kasi stalker ang dating niya sa akin ngayon!
"Aemy just let me show you something. I promise pagkatapos no'n, kung galit ka pa rin sa akin lalayo na ako sa'yo. Just please. I'm sorry," He's almost kneeling but I'm trying so hard to keep my straight face.
I should know his reasons, right? Sige. Pagbibigyan kita, Vince.
Bumaling ako sa kanya na ngayon ay medyo nangingilid narin ang luha. Bumuntong hininga muna ako bago sumagot.
"Alright. I will let you," Bakas parin sa boses ko ang pagkainis. Hindi ko na sana gugustuhin pang alamin.
Parang may boses na bumubulong sa akin na kailangan ko siyang pakinggan.
Sumama ako sa kanya.
...
"Bakit tayo nandito? Bakit dito mo ako ipinunta?" Tanong ko sa kanya habang kinakalas niya ang kanyang seatbelt.
Ngumiti siya nang mahina at bumaba ng kotse. Umikot siya patungo sa pintuan ko at binuksan iyon.
"Just come with me," Naglahad siya ng kamay habang may guhit parin ng ngiti. Bumaba ako pero nilampasan ko lang siya.
BINABASA MO ANG
Sweet Serendipity (Sweet Series Book 1)
ChickLitPublished: September 2, 2015 Book 1 of Sweet Series P.S. This is my first attempt to write a story here so please put up with it. I'm sure there are glitches. I'm trying so hard to fix them. If this one clicks to the readers then I might write a si...