Chapter 16

2.9K 119 64
                                    

Delilah

Chapter 16


"At kapag nahulog ka sa kanal ng pag-ibig, tanga ka! Tanga ka! Tanga kaaa!!"




Umalingasaw ang boses ng isang babaeng naglalakad lakad sa seaside.




Rinig na rinig 'yon sa may veranda ng beach house. Nakatayo kasi ako do'n at nakasandal ako sa railings. Nandito ako ngayon para lumanghap ng sariwang hangin. 6:30 AM na. Naabutan ko pang magbukang liwayway.



I guess gano'n talaga. Kapag nasa isla ako, ang aga kong magising. 5 AM palang kanina nagising na ako. It's refreshing. Mamimiss ko nanaman ang islang 'to once we get back tomorrow. Hay.




At kapag nahulog ka sa kanal ng pag ibig, tanga ka.



Napangiwi ako sa sinabi no'ng babae. Kasi naman, mukha siyang wala sa katinuan. May punit punit 'yong damit niya. May mga uling sa katawan. At pasayaw siyang naglalakad. Patalon talon pa nga eh.



Tinagilid ko ang ulo ko habang pinagmamasdan siya.



Mukhang wala nga siya sa katinuan. Pero bakit gano'n?
Parang may point 'yong sinabi niya eh.



"Ineng. Apay anya kitkitaem dita?" 'yong caretaker namin. She's asking what I'm staring at.



Yep, she's ilocano. Hirap ako minsan makipag communicate sa mga tao dito sa isla. I can understand Ilocano. Pero baluktot ako magsalita. Mom's fault. Di niya kami tinuruan.



Bumaling ako sakanya, "Ahh w-wala po tyang," Nginitian ko siya.



Tumango siya't ngumiti. Aalis na sana siya pero tinawag ko siya ulit,
"Ay tyang saglit lang po. 'Yong ano, babae. Doon po, oh."



Tinuro ko 'yong babae sa seaside na ngayon ay nagtatampisaw sa dagat habang nagsasayaw. Saka ako bumaling ulit sakanya.




"Alam niyo po ba kung anong pangalan niya?"



"Ah 'yan?" Dinungaw niya 'yong babae sa seaside,
"'Yan si Pacita. Kwarenta na ata siya ngayon. Mag isa siyang namumuhay sa kubo niya do'n sa kakahuyan."


Sinabi niya 'yon nang hindi nakatingin sakin. Inaayos niya 'yong mga halaman sa gilid.



"Uhhh, wala po siyang pamilya?" Tanong ko ulit.



"Meron. Kaya lang ay namatay na ang mga magulang niya. Nasa syudad ang mga kapatid niya kaya't mag isa siyang namumuhay dito sa isla ngayon."



"Eh? Bakit po hindi siya sumama sa mga kapatid niya?" Nilingon ko si Pacita. Nakatitig lang siya sa pasikat na araw.


She looks sad. I can't help but sympathize. Mag isa siyang namumuhay. Ano kayang nangyari?



"Sa tingin ko dahil sa problema niya sa pag iisip. Magmula noong iniwanan siya ng kanyang asawa, nawala na siya sa katinuan," Suminghap si tyang.


Halatang naaawa rin siya sa sitwasyon ng babae. Saka siya bumaling sa akin. Tinapik niya ako nang marahan at umalis na sa veranda.



Pwede pala talaga 'yon ano? Pwede ka pala talagang mabaliw dahil sa pag ibig.



Kapag nahulog ka sa kanal ng pag ibig, tanga ka.



Napanguso ako at bumaling muli kay Pacita. Ipinatong ko ang dalawang kamay ko sa railings habang pinagmamasdan siyang maglakad papalayo.



Sweet Serendipity (Sweet Series Book 1)Where stories live. Discover now