Chapter 3

126K 2.3K 139
                                    

                                                       *****

SAMPUNG TAON ANG LUMIPAS.

 

 

Sa isang luma at pangkaraniwang paupahang up and down apartment sa bandang Quezon City, kadarating lang ni Lena galing sa pinagtatrabahuang pabrika ng mga sapatos sa may Marikina. Ibinato niya ang dalang bag sa silya at nanghihina sa pagod na nahiga sa payak na sopa.

Tumingin muna siya sa nakasabit na orasan. Mag-aala siyete ng gabi. Maya-maya na siya maghahanda ng hapunan. Iidlip lang siya ng saglit.

“WAAAAAAAAH! AKIN YANG LARUAN! WAAAAHHHHHHH!”

Napabalikwas siya ng bangon dahil sa palahaw ng isang batang babae galing sa kuwarto sa itaas.

“Sino na naman ang nagpaiyak kay Chacha?!!!” sigaw niya.

Tumigil ang iyak ng bata at ilang saglit lamang ay sunud-sunod na nagbabaan sa hagdan ang tatlong bata. Agad na lumapit ang limang taong gulang na batang si Chacha kay Lena at nagpakarga.

“Mimi si Jasper pinapakilalaman ang laruan ni Chacha. Sinisira niya!” sumbong ng siyam na taong gulang na batang si Arabella.

“Hindi naman po Mimi. Hinihiram ko lang naman eh. Madamot lang talaga yan si Chacha.” paliwanang naman ng pitong taong gulang na batang lalaking si Jasper.

“Eh bakit kasi nanghihiram ka?! Eh barbie yun. Bakla ka ba?!” wika ulit ni Arabella.

“WAAAAAAAAAH! MIMI SI ATE SINASABIHAN AKONG BAKLA! WAAAAAHHH!”

  

You Gave Me A ReasonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon