Chapter 23

119K 1.8K 188
                                    

                                                           ****

"Jasper bumalik ka dito!" sigaw ni Arabella.

Kasama ni Lena ang dalawang bata habang naggogrocery sa malapit na supermarket. Walang tigil sa pagtakbo si Jasper habang tulak-tulak nito ang push cart. Hinahabol ito ni Arabella samantalang si Lena naman ay abala sa pagpili ng mga bibilhin.

"Jasper bumalik ka sabi dito! Huwag daw tayong lalayo sabi ni Mimi!"

"Babalik ako dyan ate! Nagdadrive lang ako!"

BLAG!

Huminto si Jasper sa pagtakbo nang mabangga niya ng malakas ang isang push cart na tulak-tulak din ng isang babae. Bahagyang nasaktan ang babae sa pagkakabangga sa kanya.

"S-Sorry po." maamong bigkas ng batang lalaki.

"Pasensiya na po kayo sa kapatid ko." paumanhin din ni Arabella nang maabutan ang kapatid.

Napatingin ang dalawang bata sa nabangga. Nakasuot ito ng sumbrero, malaking sunglasses at scarf na nakapulupot sa leeg na halos pati parteng bibig ay natatakpan na rin. Hindi gaanong makita ang mukha nito sa dami ng nakatakip kung kaya't tinitigan muna itong mabuti nina Arabella at Jasper para makita kung galit ba ito o hindi.

"Kids this is not a playground. You should not run like that in this kind of place baka maaksidente kayo or baka may mabasag kayong mga paninda." pormal na wika ng babae.

"Sorry po, hindi naman po ako tumatakbo, nagdadrive lang po ako." katwiran ni Jasper.

Medyo natawa ang babae sa sagot ng inosenteng bata. "Sino bang kasama niyo? Are you with your mother?"

"Opo." sabay na sagot ng mga bata.

"Arabella! Jasper! Di ba sinabi ko naman sa inyong huwag kayong lalayo!"

Ibinaba ng bahagya ng babae ang suot na sunglasses nang makita nito kung sino ang nagsalita.

"L-Lena?"

Nagtatakang lumapit si Lena sa taong tumawag sa kanya. Hindi niya ito gaanong makilala dahil sa ayos nito.

You Gave Me A ReasonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon