Epilogue

149K 3.9K 681
                                    

"Yaya Maya! Paypayan mong mabuti yan si Baby Laurence. Ayokong makitang may isa mang butil ng pawis na sumisilip sa noo niyan!"

"Ate Monica, parang gusto yata ni Laurence na umalis ng stroller," sabi ng dalagang nakaunipormeng babysitter na mga nasa edad bente pa lamang.

"Huwag na huwag mong paaalisin yan diyan! Baka magtatakbo yan makasagi ng madungis na tao at malagyan ng bacteria. Oo nga pala nasaan ang sanitizer at alcohol?"

"Nasa dalang bag ho ni Yaya Lagring."

"Yaya Lagring!" sigaw ni Monica.

Lumapit sa binabae ang yaya na mga nasa edad singkuwenta na, nakasuot din ito ng unipormeng pangkasambahay.

"Nasaan ang sanitizer?" taas noong sabi ng binabae at sabay lahad sa palad nito.

"Ah eto po," kinuha ng katulong ang sanitizer at ibinigay kay Monica.

"Achuchu Baby Laurence! Papahiran ka muna ni Tita Monica ng sanitizer ha. Baka madapuan ka ng nakakapangit na bacteria, mabawasan yang kagwapuhan mo. Sabi ko na nga ba lalabas ka sa mundo bilang isang magandang nilalang sapagkat ipinaglihi ka ng iyong ina sa diyosang kagaya ko!" lambing ng bakla sa dalawang taong gulang na bata na noon ay tahimik na dumedede sa bote.

"Yung mga alaga mo nasaan?" tanong niya kay Yaya Lagring na nakatunghay din sa batang nilalambing.

"Ayun po oh, mga naglalaro."

Itinuro ng katulong ang magkapatid na Jasper at Arabella. Nakaupo si Arabella sa isang mahabang upuan habang nakadekuwatro at tahimik na nagbubutingting ng ipad. Si Jasper naman ay tila walang pakialam sa paligid at seryosong nagdidribol ng bola.

Natatarantang lumapit sa mga ito si Monica.

"Arabella tama ka na nga diyan sa kakayou tube mo sa one direction na yan! Pati ba naman dito sa airport yan pa rin ang inaatupag mo! At ikaw naman Jasper tumigil ka diyan sa kakadribol mo ng bola baka maaward tayo ng mga guwardiya. Mukha ba itong basketball court? Wala naman akong nakikitang ring ah!"

"Si Jasper ang pagsabihan niyo kasi siya yung nakakaistorbo, ako tahimik lang naman dito ah."

"For once mga kids, pwede bang igive-up niyo na muna yang mga hobbies niyo. Uunahin niyo pa ba yan kaysa sa Mimi't Didi niyo!"

"Sabi ko naman kasi sayo Tita Monica na ayokong sumama," katwiran ni Jasper.

"Tse! Ang sabihin mo ayaw mong sumama dahil magbababad ka na naman sa basketball court sa bakuran nina Lola Roxie mo. Bakit hindi ang pagpapatangkad muna ang atupagin mo? Uminom ka ng sampung baso ng gatas araw-araw at magpabili ka ng kahong-kahong growth hormones at pag naging six footer ka na saka ka magpakaadik diyan sa basketball para at least pwede mong maging career yan."

You Gave Me A ReasonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon