Chapter 24

108K 2.1K 163
                                    

                       

                                                                                  ****

Naghihintay si Lena sa harap ng Luxuria. Malalim ang kanyang iniisip habang maya't maya pa ring hinihila isa-isa ang mga daliri sa kamay dahil sa nerbyos. Nag-iisip siya kung papaano sisimulan ang gagawing pag-amin. Napatingin siya sa kanyang relos sampung minuto pa lang siyang naghihintay, sabi ni Warren susunod siya pagkalipas ng trenta minutos. Meron pa siyang bente minutos para makapag-isip ng mabuting sasabihin.

Pabalik-balik siyang naglakad habang paulit-ulit na bumubuntong-hininga, ngunit bigla siyang natigilan nang may humintong kotse sa tapat niya. Halos masagi na siya sa sobrang lapit ng pagkakahinto nito mula sa kinaroroonan niya. Nagbukas ang bintana sa bandang likuran at nakita niya ang isang pamilyar na ginang na nakasuot ng sunglasses. Nanlaki ang kanyang mga mata nang makilala ito. Ang istriktang ina ni Warren! Tinanggal ng ginang ang suot na salamin at tumingin ito sa kanya ng may matatapang na mga mata.

"Get in the car." madiing utos nito.

Nagtatakang tinuro niya ang sarili. Hindi niya masigurado kung siya ang sinasabihan nito. "Po? Ako ho ba?"

"Yes. I said get in."

Walang pagdadalawang-isip na sumakay siya sa pag-aakalang kakausapin lang siya nito ng saglit. Subalit nang biglang umandar ang sasakyan ay agad siyang nataranta. Paano na ang pag-uusapan nila ni Warren?

"Teka ho. Saan po ba tayo pupunta? Hindi po kasi ako pwedeng sumama dahil may hinihintay po akong tao." wika niya habang hindi pa nakakalayo ang sasakyan.

"You have to come with me because I need to talk to you seriously." matigas na wika ng ginang sa kanya habang medyo pinandidilatan pa siya ng mga mata.

Hindi na siya tumutol pa nang makita ang tila galit na mukha ng ginang. Gusto niyang makausap si Warren pero sa mga oras na iyon ay mas takot siyang suwayin ang ina nito. Ilang saglit lamang ng katahimikan ay nagsimulang tumunog ang kanyang telepono. Tumatawag na si Warren. Nahihiya siyang sagutin ang tawag sa tabi mismo ng ina ng lalaki kung kaya't napatingin muna siya sa ginang upang humingi ng permiso. Ngunit tiningnan siya nito ng makahulugan na tila alam na nito kung sino ang tumatawag.

"Is that my son?"

Marahan siyang tumango.

"Don't answer."

"B-Bakit po?"

"I just arrived from the states and he doesn't know yet that I'm here."

You Gave Me A ReasonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon