Chapter 28

108K 1.9K 214
                                    

                                                                    ******

Nag-uusap ang supervisor ni Lena at ang isang may kapayatang babaeng clerk ng Luxuria sa gilid ng pasilyo sa ikatlong palapag ng gusali. Hawak-hawak ng supervisor ang isang diyaryo.

"Nabasa mo na ba ang blind item sa diyaryo na ito?" tanong ng superbisora.

"Oo naman. Lahat naman yata ng departamento dito sa Luxuria ay may kopya ng diyaryo na yan." sagot ng clerk.

"Di ba halatang si Sir Warren at Ma'am Avina ang tinutukoy dito?"

"Oo naman. Sa dami ng mga clues na ibinigay dapat nga hindi na nila ginawang blind item yan eh. Kulang na lang ay pangalanan na talaga nila!"

"Totoo kayang nagkakalabuan na sila at sino naman kayang third party ang tinutukoy dito? Pero teka, di ba last week lang ay madalas pa rin nating nakikita si Ma'am Avina na pumupunta dito? Ayon dito sa diyaryo si Sir Warren daw ang may babae." anang superbisora.

"Eh di nga ba sadya namang babaero yan si Sir Warren? Nung hindi pa napapabalitang karelasyon siya ni Ma'am Avina, madalas ang mga babae niya mismo ang dumadalaw sa kanya dito sa opisina. Natigil lang naman ang pagpunta-punta ng mga babae dito nung inamin na mismo ni Ma'am Avina ang totoong relasyon nila." bulong ng clerk.

"Pero sa pagkakaalam ko tumino na si Sir Warren. Ayon sa mga gwardiya, wala na daw talagang bumibisitang babae sa amo natin simula nang maging sila ni Ma'am Avina. Pati ang mga secretary niya sinasabing hindi na rin daw nagpupunta sa mga bars si Sir. Tsismis lang siguro ang nakasulat dito sa dyaryo. Sino naman ang babaeng pwedeng ipalit ni sir sa napakaganda at sikat niyang girlfriend? Hindi naman siguro nasisiraan ng ulo ang amo natin para ipagpalit pa niya ang kagaya ni Ma'am Avina." dugtong ng superbisora.

"Hindi kaya totoo ang bulung-bulungan dito sa opisina na parang may namumuong kakaibang relasyon daw si Sir Warren at ang isa sa mga empleyado dito." sambit ng clerk.

"Empleyado?" biglang napaisip ang superbisora. "Sino? Yung tauhan ko lang namang si Lena ang alam kong medyo malapit kay Sir Warren dito. Siya ba ang natsitsismis kay sir?"

"Baka siya na nga, kasi wala namang ibang nakakasama si Sir Warren dito sa opisina ng kagaya ng pakikitungo niya kay Lena. Mas close pa nga ata si sir sa babaeng yun kumpara sa mga personal secretary niya. Minsan nga nakikita ko pang isinasabay ni Sir Warren yun pag-uwian na."

Muntik nang mapahalakhak ang superbisora sa sinabi ng kausap. "Ano? Si Lena?! Imposible naman ata yan! Oo alam kong malapit sila ni Sir Warren pero yun ay dahil sa magkaklase sila nung high school, yun lang yun! Papatol ba naman ang isang lalaking ubod ng gwapo at yaman sa kagaya ni Lena na isang janitress lamang. At bukod diyan, may mga anak na si Lena para patulan pa siya ni Sir Warren kaya hindi totoo ang tsismis na yan!"

You Gave Me A ReasonWhere stories live. Discover now