Chapter 6

103K 2K 108
                                    

                                                                           ******

Mainit na naman ang ulo ni Warren. Hindi ulit natuwa ang presidente ng Luxuria sa mga report na natanggap mula sa mga empleyadong kinakausap. Nagtatapon na naman ito ng mga gamit at files sa harap ng mga nininerbyos na mga tauhan.

“How many times you guys can repeat same stupid mistakes?! Tell me honestly! We are running out of time. At this moment, I’m expecting rapid improvements! But what do I get here? Same old craps! These are bullshits!”, sabay tapon ulit ng binata sa isang folder sa sahig.

Nagmamadaling lumapit si Cindy sa mga nagkalat na mga papel at folders sa loob ng opisina ng binata. Ngunit bago pa man ito makadampot ng isa ay pinuna ito ng amo.

“What are you doing Cindy?”

“Ahhh…s-sir lilinisin ko lang po ang mga kalat…”, kinakabahang sagot ng sekretarya.

“No. Stop doing that! Call that new utility girl. I want her to clean that mess.”

“O-Okay po sir..”

Nagtatakang inihinto ng sekretarya ang ginagawa at lumabas para hanapin si Lena. Samantalang ipinagpatuloy naman ni Warren ang panenermon sa mga empleyado.

“Good morning po.”

Naglingunan ang lahat ng tao sa loob ng silid ng bumungad ang nakangiting bagong janitress. Maging si Warren ay natigilan sa pagsasalita. Napatingin din ito sa dalaga. Nagtataka naman ang mga empleyado sa reaksiyon ng binata pagkapasok ng janitress. Bigla na lamang itong tumigil sa panenermon at tumingin lamang sa bagong dating. Pansamantala itong tumahimik habang nililinis ng babae ang mga kalat.

You Gave Me A ReasonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon