Chapter 32

116K 2.2K 464
                                    

                                                              *****

"Pasensiya na kung pinatawag kita dito sa opisina. I don't mean to be impolite, gusto lang kitang makausap without Lena listening," mapagkumbabang sabi ni Warren kay Charles.

"Wala sa akin to," ngingiti-ngingiting sagot ni Charles. "At saka hindi mo kinakailangang maging pormal pagdating sa akin dahil ikaw pa rin naman ang amo ko na siya ring pinagkakautangan ko ng loob."

"No I can't do that. You're someone I respect dahil nirerespeto ka ng taong mahal ko. Besides, outside work... we're a family now."

Naasiwang napakamot ng ulo si Charles. "Kayo ang bahala kung saan kayo komportable," pormal ding sagot niya. " May importante ba kayong sasabihin kaya niyo ako pinatawag?"

"Yes, there's a lot to say. But first, let me say thank you."

"Para saan?"

"For talking to my mother... I've heard from her na kinausap mo siya at it helped her para mas maintindihan at tanggapin niya ang relasyon namin ni Lena."

Nagbitiw ulit si Charles ng isang asiwang ngiti. "Wala kang dapat ipagpasalamat. Kusa kong ginawa yun para kay Lena. Hindi ako magdadalawang-isip na proteksiyonan at ipaglaban ang kaligayahan ng kapatid ko. Napakaliit na bagay lang niyan kumpara sa mga sakripisyong ginawa niya para sa akin."

"I know it's for your sister but still, you helped not just the relationship of Lena and I but also mine and my mother's."

"Kung ganon masaya ako na nakatulong din pala ako sa taong pinagkakautangan ko ng loob."

"Kalimutan na natin yang sinasabi mong utang na loob Charles. You don't owe me anything. Like what you did for your sister, I helped you because of her too. Hindi mo kailangang obligahin ang sarili mo na tanawing utang na loob ang ginawa ko. Tinulungan kita for my own satisfaction because I want her to be happy. Seeing her happy makes me happy too. That's why I want to request that from now on, let's live na walang anumang utang na loob na dapat tanawin at bayaran sa sinuman. Since we're family now, exchanging thank you's to one another is enough," nakangiti ngunit seryosong tugon ni Warren sa kausap.

"Maraming salamat. Wala akong magagawa kung yan ang gusto mo. Kung pasasalamat man ang kabayarang gusto mo, habambuhay akong hindi magsasawang pasalamatan ka."

"...t-tungkol sa sitwasyon niyo ng kapatid ko... ngayong maayos na ang lahat sa inyong dalawa... may mga bago na ba kayong plano?" atubiling pagtatanong ni Charles.

You Gave Me A ReasonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon