Chapter 26

107K 2K 424
                                    

                                                                                          ****

Maingat na binubuksan ni Lena ang pinto ng bahay. Iniiwasan niyang maglikha ng ingay upang hindi malaman ng mga kasama na mag-uumaga na siya umuwi. Pagpasok sa loob ay dahan-dahan siya sa paghakbang. Tahimik pa ang paligid marahil tulog pa ang lahat. May kaunting liwanag na kaya't hindi na siya nagbukas pa ng ilaw, nangangapang naglakad na lamang siya patungo sa hagdanan.

"Uwi ba ito ng isang matinong ina?"

"Ay! Kabayong bakla ka Monica!"

Nadulas si Lena sa pag-akyat sa sobrang gulat. Mabuti na lamang at nasa unang baytang pa lamang siya ng hagdan kaya't naibalanse niya ang sarili. Hinanap niya ang pinanggalingan ng boses at doon ay nakita niya si Monica sa isang madilim na parte ng kusina na nakatayo habang nagkakape.

"Papatayin mo ba ako sa nerbiyos Monica?!"

"Hep. Hep. Huwag niyo akong pangunahan ng galit. Hindi ako ma-aaffraid sa ganyang mga drama."

Inilapag ni Monica ang kape sa mesa. Nagbukas siya ng ilaw, lumapit sa bagong dating na babae at inikutan ito ng may mga mapanuring titig.

"Saan ka galing at minuto na lang ang pagitan para magkasalubong kayo ni Sunshine Cruz?"

"D-Di ba sinabi ko sayo bago ako umalis na bibisitahin ko ang kuya sa trabaho nito." napapalunok na sagot ni Lena.

"Grabe namang biyahe yan. Sa Paete lang nagtatrabaho si Kuya Charles tapos inabot ka ng ganitong oras. Anong nangyari? Nag joyride ang driver ng sinakyan mong bus, pagkagaling Laguna dumaan muna kayo ng bikol. Ganun ba yon? Trip-trip lang?"

"Naistranded kami nasiraan ang bus."

"Ha nasan ba ang Laguna? Nasa dulo ba ng Pilipinas at walang ibang sasakyang dumadaan? My god Ate Lena what is happening with you? Pumupurol na yata ang utak mo sa pag-iisip ng palusot."

"Nanghinayang ako sa pamasahe, ayaw irefund ng driver eh."

"Nanghinayang ka sa pamasahe, pero di ka nanghinayang sa pagod at oras na mawawala sayo. Teka lang speaking of pagod..." sabay suri pa lalo ni Monica sa mukha ng babae. "Parang wala naman akong makitang bakas ng stress sa mukha mo, sandali papatayin ko ulit ang ilaw at sa kislap ng mga mata mo ngayon mukhang magoglow in tha dark pa nga ang mga ito. Yung totoo saan kayo nanggaling?"

You Gave Me A ReasonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon