Chapter 16

116K 2K 94
                                    

                                             

                                                                              ******

Hindi maikukubli ang kislap sa mga mata ni Matthew. Lihim itong napapangiti sa isipan habang nagmamaneho. Maya't maya itong napapatingin sa tahimik na katabi. Sa ilang beses niyang pag-alok, ngayon lamang pumayag si Lena na magpahatid pauwi ng bahay.

"Are you bored? Do you want some music?"

"Huwag na. Okay lang ako."

Seryoso ang mukha ng dalaga. Diretso lamang ang mga tingin nito sa daan. Napakatipid ng bawat sagot sa tuwing kinakausap ng lalaki, hindi malaman kung maluwag sa loob ang pagpapahatid nito o napipilitan lamang.

"Dito na lang po."

"Lena, there's no need for you to talk to me formally."

"Pinsan po kayo ng boss ko, kaya dapat lang na respetuhin ko kayo."

Inihinto ni Matthew ang sasakyan sa harap ng common gate ng magkakahilerang apartment. Bumaba si Lena at sunod ding lumabas ng sasakyan ang binata.

"So this is your place?" wika ng lalaki habang inililibot ang paningin sa buong paligid.

Eksaktong lumabas naman ng bahay si Monica at nanlaki ang mga mata nito nang makitang may kausap na lalaki si Lena. Dali-dali itong naglakad papuntang gate at natatarantang binuksan ito. Nakangangang tinitigan nito ang gwapong binata.

"Halika, pasok ka." yaya ni Lena sa bisita sabay pinandilatan nito si Monica at sinenyasan itong pumasok sa loob ng bahay sa pamamagitan ng palihim na pagnguso dito.

Pinapasok ni Lena si Matthew sa loob ng compound ng kanilang apartment subalit huminto din ang dalaga pagdating sa harap ng mismong inuupahang apartment. Tumayo ito sa tapat ng pintuan at seryosong hinarap ang binata.

"Monica tawagin mo ang mga bata." utos nito sa bumubuntot-buntot na binabae kay Matthew.

"Opo ate."

Kumekembot na pumasok sa loob ng bahay si Monica at ilang saglit lamang ay lumabas ulit ito na kasama na ang tatlong mga bata. Humilera ang mga ito sa tabi ni Lena.

Hindi nagawang magsalita ng mga bata. Nakatingala lamang ang mga ito sa nakatayong binata sa harap nila.

You Gave Me A ReasonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon