Chapter 22

112K 1.8K 107
                                    

                                                               ******

"Thank you for picking me up." pormal na wika ni Avina pagkasakay ng kotse ni Warren.

"Wala kang dapat ipagpasalamat. I should do this, hindi magandang tingnan kung hindi tayo sabay na darating sa party." katwiran ni Warren.

Lihim na napasulyap si Avina sa katabi. Napapansin niya ang mga pagbabago sa mga kilos ng lalaki. Hindi na gaanong mainitin ang ulo nito pagdating sa kanya. Paunti-unti na rin nitong pinagbibigyan ang mga maliliit niyang kahilingan. Ang higit na ipinagtataka niya ay mas madali na itong pakiusapan sa pagdalo sa mga party o anumang uri ng pagtitipon. Pati sa mga pailan-ilang interviews ay nagpapaunlak na rin ito kahit alam na uungkatin dito ang tungkol sa relasyon nila. Hindi lamang ito pumupunta sa mga pagtitipong may kinalaman sa Luxuria, minsan ay pinagbibigyan din siya nito pati sa mga bagay na may kinalaman sa pagiging model niya. Sa tingin niya ay parang mas epektibo ang ginawa niyang pamamaraan na huwag itong masyadong abalahin. Simula nang pinagsabihan siya nito na ihayag na sa publiko na tapos na ang kanilang relasyon, hindi niya na ito muling kinulit. Hindi na siya gaanong nagdedemand ng oras mula sa binata. Hanggang sa nitong mga huling araw ay tila ang lalaki na ang kusang nagbibigay ng oras para sa kanya.

"What's going on with you these past few days? It's not that I'm being ungrateful, but I notice that you're being kind to me." hindi makatiis na tanong niya.

"It's not being kind because eversince I did treat you this way. It only stopped when you started to ask for something I couldn't give you. And you know what is that."

"But I'm still asking for that something even until now, so how come you're being like this?"

Huminga ng malalim si Warren. Ilang saglit muna itong nag-isip ng sasabihin. "I guess I get tired of being mean to you... Look Avina, don't misunderstand things. Alam mo naman that you're still an important person to me. You're a friend and a family, so let's not make this situation difficult to one another... I have only one request. Please stop expecting anything that is beyond friendship dahil ang kaya ko lang ibigay sayo ay ang respeto ko. I won't do anything that will harm your image. I think that maybe there's nothing wrong if we help each other now. You help me build the good image of Luxuria and I'll silently ride with your game until such time na marealize mo na dapat mo nang tapusin ang pagsisinungaling sa tao. That's the best I can do for you."

Napangiti ng lihim si Avina. Sa wakas ay tila unti-unti na ring nari-realize ni Warren ang silbi niya. Kung ganon ay mas lalo pa niyang pagbubutihan ang ginagawa niyang tulong para sa Luxuria. Dadahan-dahanin niya hanggang sa tuluyan nang maging dependent sa kanya ang kumpanya dahil sa magandang imahe na ibinibigay niya dito. Kay Warren naman, mas mabuti nga sigurong itigil niya muna ang pangungulit dito hanggang sa maging komportable ulit ito sa kanya.

"Sure. I'll agree to that. I'll stop demanding things from you. I won't ask you anymore to like me." 

You Gave Me A ReasonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon