Chapter 14

122K 2K 82
                                    

                                                                      ******

Nakapila sa immigration counter sa loob ng Ninoy Aquino International Airport sina Avina at Warren. Kadarating lamang nila galing sa business trip sa Japan. Malayo pa lamang ay may natatanaw na silang mga reporters na nakatambay sa may baggage claim sa arrival area. Nakaabang na ang mga ito para sa kanilang ambush interview sa sikat na modelo.

Karaniwang tanawin na ito para kay Avina. Madalas siyang sinusundan ng mga mamamahayag dahil napakabihira niya magpaunlak ng imbitasyon para sa mga pormal na panayam. Kaya't para makakuha ng update tungkol sa kanya, sa ganitong pamamaraan siya dinudumog ng mga reporters sa tuwing bumabalik siya ng bansa.

Pagkalampas nina Avina at Warren sa immigration counter ay agad na nagsipaghandaan na ang mga mamahayag sa paglapit sa modelo. At lahat ng mga ito ay nagulat nang lumapit ang sikat na modelo sa kasamang binata at kusa itong kumapit sa braso ng lalaki. Mas lalong nagmadali sa paglapit ang mga reporters habang walang humpay ang mga ito sa pagkuha ng litrato ng dalawa.

"Avina, sa pinapakita mong sweetness ngayon kay Warren Gonzales, hayagan mo bang inilalahad sa tao na may relasyon kayong dalawa?" tanong ng isang reporter.

"What you see is what you get." nakangiting tipid na sagot ng modelo.

"Totoo bang kayong dalawa lang ang magkasama papuntang Japan?"

"Yes it's true."

"Nakapagtataka bakit parang bigla-bigla atang nagiging bukas ka sa publiko sa pagpapahayag tungkol sayong personal na buhay especially your lovelife?"

Kumapit pa ng mas mahigpit si Avina kay Warren na sa mga oras na iyon ay halatang naguguluhan at gulat na gulat sa mga nangyayari. Nakangiti at malambing na isinandal ng bahagya ng dalaga ang ulo sa bisig ng binata bago sagutin ang katanungan.

"I don't see any point of hiding it. I'm very happy and proud to be Warren's girlfriend."

Ibinaling naman ng mga reporter ang kanilang atensyon sa binata.

"Mr. Warren Gonzales what can you say? How does it feel to be a boyfriend of a very popular and an extremely beautiful woman like Avina?"

Napapangangang tiningnan ng lalaki ang nagtatanong na mamahayag. Ilang sandali muna itong nag-isip ng sasabihin.

"I-I don't know what to say. E-Even myself is still in shock," sabay tawanan ng mga reporters sa pag-aakalang nagbibiro lamang ang binata sa sagot niya. " Now if you'll excuse us. We still have some baggages to get."

You Gave Me A ReasonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon