Chapter Three

4.8K 185 2
                                    

Jade's POV

Hawak-hawak pa rin ni Althea ang isa kong braso patungong canteen. Hindi ko mapigilang mapangiti. Kinikilig yata ako na hindi ko maintindihan. Naloloka ako.. grabe na itey! Sa babaeng ito pa talaga? Ang daming cute na boys sa paligid ng campus pero bakit kay Althea ako kinikilig ng ganito? Binitiwan niya lang ako nang nasa counter na kami.

"Ah.. Jade anong trip mong kainin?" Tanong nito habang nagmamasid ng pwede nameng kainin.

"Ikaw..." Wala sa loob kong sagot. Agad itong lumingon sa akin na napangisi. "I mean ikaw ang bahala Althea. Kung anong sayo.. ganon na rin yong sa kin." Nakangiting tinitigan ako ni Althea mula sa mga mata patungong labi. Nanigas tuloy ako sa kinatatayuan ko. Hindi ko ineexpect na gagawin niya yon. Kung wala lang siguro kami sa public place baka nahalikan ko na ang babaeng ito.

"Okay lang ba sayo ang pizza?" Tanong nito na napapatingin pa rin sa mga labi ko.

"O-oo naman." I stuttered. Dinukot ko ang aking wallet sa loob ng bag ko para kumuha ng pera. Ngunit pinigilan niya ako. "My treat Jade." Sabi pa nito. "You sure?" Nakangiting tumango lang ito. Kaya't nagkibit- balikat na lang ako. "Well, thanks!"

"Hanap ka na lang ng mauupuan naten. Ano nga palang flavour ang gusto mo?"

"Anything you want Althea. Kakainin ko yan basta paborito mo." Kindat ko sa kanya na ikina-blush niya. Ngiting wagi na naman ako matapos kong makita ang naging reaksyon niya. Iniwan ko na siya sa counter at naghanap na ako ng mauupuan namen.

Althea's POV

Busy si Jade sa cellphone na hawak nang lapitan ko ito bitbit ang tray na ang laman ay isang medium size na pepperoni pizza at dalawang ice tea. Agad nitong binitawan ang hawak at nakangiting tumingin sa akin. "Hi Crushy!" Bungad nito sa akin.

"Jade seryoso ka ba sa pagtawag sa akin ng crushy?" Mataman akong tiningnan nito. Ipinatong ko sa tapat niya ang isang ice tea at sa akin naman ang isa. "You know.. magkaibigan kasi tayo at--" Hindi ko na alam ang sunod na sasabihin ko.

"And what?" Nakaabang nitong tanong na nagsip ng ice tea. Nagkatitigan muna kaming sandali at nagkangitian sa isa't-isa.

"It's very hard to explain Jade. Sa isang iglap parang binago mo ang mundo ko. I admit it! Masaya ako kapag kasama kita."

She looked away habang naka-smile. Saka muling ibinalik ang tingin sa akin. "Actually miski ako Althea naguguluhan. I mean marami akong naging kaibigan na babae pero never ko itong naramdaman sa kanila."

"A-anong ibig mong sabihin Jade?" Kinakabahan ko na namang tanong. Ang lakas ng kabog ng aking dibdib. Pati itong tiyan ko animo'y may mga paru-parung nagliliparan.

"We're both attracted to each other Althea. Kahit hindi ka magsalita... nararamdaman ko." Huminga ito ng malalim at tumingin ng diretso sa akin. "Ikaw ba? Minsan ka na rin bang naattract sa isang babaeng kagaya mo?"

Ito na ang matagal kong kinatatakutan. I never confess to anybody kasi feeling ko mababago ko pa ang sarili ko. But when I met this girl parang hindi ko na kayang kontrolin ang nararamdaman ko. Love is really unstoppable. Kanina noong babanggitin ni Batchi si David kay Jade ay parang automatic na kumilos ang katawan ko sa utos ng puso at isipan ko. Mabilis kong inilayo si Jade sa kanila. Hindi pa man niya nakikilala ang kaibigan kong si David ay nakakaramdam na agad ako ng selos.

"Hey! Althea.. Natulala ka na diyan. May itinatanong ako sayo. Okay ka lang ba?"

"H-ha? Pasensya na.. Ano nga ulit ang itinatanong mo?"

"Ang sabi ko ang ganda mo kaso binge lang." Irap nito sa akin. "Alam ko namang narinig mo. Kaya ayoko na ulitin."

Sasagot na sana ako nang may marinig kaming malakas na ingay sa kabilang table.

CRUSHY  BABEWhere stories live. Discover now