Chapter Thirteen

3.8K 165 14
                                    

Jade's POV

"Ibang klase ka Jade. Halatang mahal na mahal ka ni Thea." Sambit ni Wila nang makaalis ang aking nobya na sumunod sa bestfriend nitong si Batchi patungo sa counter. Napatingin ako rito at nginitian ito. "Huwag na huwag mong sasaktan yon ha? Kundi lagot ka sa akin." Dagdag pa nito sa sinabi.

Nagpakawala ako ng mahinang tawa. "Mahal na mahal ko rin ang kaibigan nyo, Wila. Bago ko pa man siya masaktan ay masasaktan ko muna ang sarili ko."

"Good! Magkakasundo tayo diyan Jade."

Saktong dating naman ni Ben na medyo natigilan dahil sa narinig. Apektado pa kaya ito sa aming dalawa ni Althea? Pero bakit parang ang bait-bait niya sa akin?

"Asan sina Thea and Batchi?" Nakangiti nitong tanong na ibinulsa na ang hawak na celpon at naupo na sa pwesto nito.

"Hayun nasa counter, gusto raw ni Batchi ng tequila." Sagot naman ng nakasimangot na si David.

"David may pinagdadaanan ka ba?" Pang-iinis rito ni Wila. "Para ka kasing babaeng may menstruation sa itsura ng pagmumukha mo."

"Nagsalita ang babaeng menopause sa kasungitan." Balik pang-aasar naman nito.

"Hayan nagsisimula na naman kayo Wila and David. Nandito tayo para mag-enjoy." Saway naman ni Abby sa dalawa.

"Itong si Wila ang nagsimula Abby. Palibhasa inindian ng manliligaw kuno." Anitong sinundan ng tawang nang-aasar.

"Hey! David for your information, hindi ako inindian ni Robert. Nagkataon lang na may emergency sa kanila."

Palipat-lipat ang tingin ko sa dalawa. Pansin ko na hindi kumportable si David sa tuwing napapatingin ako sa kanya. Kaya hindi na lang ulit ako tumingin sa gawi nito.

Tatawa-tawa lang naman si Ben sa kabilang tabi habang nakamasid sa mga kaibigan. "Tubig at langis talaga yang sina Wila at David. Napakahirap pagsamahin, palagi kasing nagbabangayan." Sabi nito.

Makalipas ang ilang minuto ay nakabalik na sina Althea at Batchi bitbit ang isang bote ng tequila.

"Ito na guys! Magcelebrate na tayo." Masayang bungad ni Batchi na tiningnan ni Althea ng nagbababalang tingin. "Tsong I mean icelebrate natin ang pagwelcome sa new member ng ating barkada. Di ba Jade?" Baling nito sa akin na kumindat pa. "Siyempre part na ng barkada natin si Jade mula ngayon."

Tumango naman si Althea na tumingin ng malagkit sa akin. Nagbaba ako ng tingin kasi hindi ko kinaya ang kilig. Tumagos yata hanggang sa kaluluwa ko.

"Ayiihhh... Nakakakilig ang mga tinginan nyo mga Tsong. Ano ba! Huwag kayong ganyan. May mga kasama kaya kayo."Tukso sa amin ni Batchi na sina Abby at Wila lang ang napatawa. Habang seryosong nakatingin lang sa amin ang dalawang boys.

"Batchi!" Muling saway ng nobya ko na nagpipigil ng ngiti. "Tigilan mo nga kami ni Jade."

Napatawa lang rito si Batchi. "Fine! Mag-inuman na lang tayo guys."

Tumabi na ng upo sa kin si Althea at hinagilap ang isa kong kamay sa ilalim ng table at hinawakan nito ng napakahigpit. Muli akong napasulyap rito, ngunit ngumiti lang ito na hindi nakatingin sa akin. Dahil sa katabi nito si Ben ay nakita nito ang ginawa ng nobya ko. Mabilis na inilayo nito ang tingin sa amin. Marahil nasasaktan pa rin ito hindi man nito gustuhin.

Hindi ako pinayagan ni Althea na uminom ng tequila. Pinashot niya lang ako ng dalawang beses at pinatigil na ako. Tama na raw sa akin ang isang bote ng beer. Dahil masunurin akong girlfriend ay hinayaan ko na lang ang kagustuhan niya.

"Uhm.. Jade pwede ko bang isayaw ang bestfriend ko?" Paalam sa akin ni Ben na ikinagulat ko. Napatingin muna ako sa girlfriend ko. Saka muling bumaling rito.

CRUSHY  BABEWhere stories live. Discover now