Chapter Seventeen

3.5K 158 3
                                    

Jade's POV

Pauwi na ako sa condo ko nang maalala ko si Althea. Siguradong magtataxi na naman iyon para puntahan ako. Kaya't muli kong minaobra ang sasakyan pabalik sa school. Tumingin ako sa wrist watch na suot ko. Sakto! Palabas pa lang siya sa klase kaya maaabutan ko pa siya.

Natanawan ko nga siyang nakaupo sa waiting shed na tila nasa malayo ang tingin at kay lalim ng iniisip. Isang grey na mercedes benz ang nag-over take sa kin at nakilala ko agad ang nagmamaneho. Mukhang kay Althea rin ang punta nito.

Napansin kong tumayo na si Althea patungo sa sakayan pero nagulat ito nang parahan siya ng grey na mercedes benz. Muli na namang kumulo ang dugo ko sa inis. Ano ba kasing kailangan nito sa girlfriend ko at palagi na lang umi-eksena sa pagitan namin? Nagseselos rin ako kay Ben pero mas matinding selos ang nararamdaman ko sa babaeng ito.

Idinaan ko ang aking inis sa pagbusina ng aking sasakyan. Dahil doon ay nakuha ko ang atensyon ng girlfriend ko. Binuksan ko ang pintuan ng kotse at inilabas ko ang kalahati ng aking katawan. Nakita ko kung paano nagliwanag ang mukha niya nang makita ako. "Althea.. Get in!" Utos ko rito. Nagmadali na itong nagpaalam sa prof nito at sumakay na sa aking sasakyan. 

"Hi Babe!" Nakangiti nitong bati sa kin pero talagang mainit pa rin ang ulo ko. Hindi ko gusto na nakikitang umaaligid rito ang Chef Kathleen na iyon. Sa halip ay mas pinili ko na lang muna manahimik. Pinausad ko na lang ulit ang sasakyan. Ihahatid ko na lang siya siguro sa bahay nila. Simula na kasi ng Midterm exam namin bukas kaya kailangan namin magfocus sa mga aralin. Pansin ko ang maya't-mayang pagsulyap niya sa akin at panay rin ang pagbuntong hininga nito. "Haay! Miss na miss ko na ang girlfriend ko. Ano kayang kailangan kong gawin para bumalik na siya sa akin?"

Parang hinaplos nito ang puso ko dahil sa aking narinig mula sa kanya. Ngunit wala pa rin ako sa mood na magsalita. Kahit ang totoo ay miss na miss ko na rin siya. Kaya't binuhay ko na lang ang stereo sa radio upang magkaroon naman ng ingay. 

Muntik na akong mapamura dahil ang isinalang ng DJ na kanta ay ang 'Where do broken hearts go' ni Whitney Houston. Bawat lyrics ng song ay parang sumasalamin sa sitwasyon naming dalawa ngayon. Kaya't agad ko na ring pinatay nang matapos hanggang chorus. Dahil kapag tinapos ko pa iyon hanggang dulo ay baka maiyak na ako.

Namayaning muli ang katahimikan sa pagitan namin. "Alam kong galit ka pa rin sa akin Babe." Narinig ko na namang sabi nito. Medyo garalgal na ang kanyang boses na waring maiiyak na naman. "Hindi na muna kita siguro pipiliting kausapin ako. Ayoko kasing madagdagan pa yong inis na nararamdaman mo sa kin. Hindi ko kakayanin kapag... kapag tuluyan ka nang nakipaghiwalay sa akin, Babe." 

Napasulyap akong sagilt sa kanya. 'Gosh! Althea.. bakit mo iniisip na makikipaghiwalay ako sayo?' Bulong ng utak ko. Alam kong nasasaktan ko na siya dahil sa pananahimik ko. Kaya namalayan ko na lang na tumutulo na rin pala ang mga luha ko. Pasimple ko yong pinahid at muling nagfocus sa pagmamaneho.

Makailang sandali pa ay nasa tapat na kami ng bahay nila. "Pwede ka nang bumaba Althea." Wala sa loob na nasabi ko. Hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganito. Sa totoo lang ay gustong-gusto ko siyang iuwi sa condo. 

Sinulyapan niya muna ako saka niya binuksan ang pinto. "Salamat sa ride Babe. Mag-iingat kang pauwi sa condo mo and please huwag kang magpapalipas ng gutom ha?" Sabi na naman nito na may pag-aalala sa tinig. Kung wala lang siguro kami sa tapat ng bahay nila ay baka nahila ko na siya para yakapin at siilin ng halik sa labi. Ngunit bago pa iyon mangyari ay hinayaan ko na siyang makalabas ng aking sasakyan at pinaharurot ko na ulit palayo.

Ngunit hindi pa man ako tuluyang nakakalayo ay napapreno ako. Hindi maaaring ganito, may mali. Kailangan ko siyang balikan para makapag-usap kami. Muli kong ibinalik ang sasakyan.

CRUSHY  BABEWhere stories live. Discover now