Chapter 28

2.8K 140 8
                                    

Jade's POV

Habang lumilipas ang mga araw ay unti-unti ko nang nakakalimutan ang pait ng kahapon. Nag-eentertain na rin ako ng mga manliligaw. Pa-date-date lang kung minsan.

Tungkol naman sa business namin ng bestfriend ko na si Bianca. Marami na ang nagiging interested na talagang dinadayo pa sa London para hanapin ang boutique shop namin na J&B collections. Most of them are celebrities and middle-class people from any country.

Simula nang magkaroon kami ng isang fashion show male and female collections ay naging mas mabenta sa madla ang J&B lalo na sa mga kababaihan.

Mas nagfocus ako sa trabaho kaysa lovelife. Pihikan ang puso ko sa pagpili ng taong mamahalin dahil sa takot na muling masaktan.

Until one day I met Jason Yin. A chinoy businessman/racer not so handsome but he's cute I guess.

Nakilala ko siya sa isang racing competition na ginanap sa London at isa ako sa naging participants that time. Mabait siya, makulit at may sense of humor kausap kaya nagkasundo kaming dalawa. Ang business niya ay nasa Pinas kaya't minsan lang kami nito kung magkita.

Then nanligaw siya sa akin and after 3 months sinagot ko na siya. Once a month lang siya bumibisita sa akin dito sa London pero nag-iistay siya ng one week to have more time with me. Sobrang sweet nya, gentleman at maalaga.

Lumipas ang ilang taon, going strong pa rin ang relationship namin. Nakilala na siya ng family ko both sides. Binibisita kasi ako nina Mommy kung minsan at natataong naririto rin si Jason.

"My Boo.. when was the last time you went back in the Philippines?"

Napaangat ako ng tingin rito. Magkaharap kaming kumakain ng dinner sa isang fine dinning restaurant. "Hmm.. May I know why you're asking me that?"

He sweetly smiled at me. "My cousin was inviting you to be one of her bridesmaid on her wedding day by next month. Then I told her to let me ask you first."

Tila biglang nanuyo ang lalamunan ko. Kaya't uminom muna ako ng tubig. Ilang years na nga ba akong hindi umuuwi ng Pilipinas? I think almost 4 years na. Siguro napapanahon na talaga na umuwi ulit ako. Palagi na lang sina Mommy ang bumibisita sa akin dito. This time dapat ako naman. "Sure My Boo. I'll go with you." Nakangiti kong sagot.

"Are you sure My Boo? You're not kidding?" Tuwang-tuwa ito. Kaya't tumatawang napatango ako.

"Matutuwa ang pinsan kong iyon. I'll tell her the good news later. You know what my boo? They always teasing me about you. Na kesyo baka hindi ka raw totoo at isang elosyon lang kita." Sabay tawa nito. "Maipapakilala na kita sa family ko sa wakas my boo." Hinawakan niya ang isa kong kamay at hinalikan ng banayad. "I love you so much."

Muli akong napangiti. "I love you too my boo." Aminado ako sa sarili ko na mahal ko si Jason. Ngunit hindi kasing lalim ng naramdaman kong pagmamahal kay Althea. Ewan ko ba! Parang hindi na maaalis pa sa sistema ko iyon kahit sino pa sigurong makarelasyon ko. Kamusta na kaya siya? Siguro dalawa na ang anak nila ni Ben ngayon. Simula nang bumalik ako ng London ay wala na akong naging balita tungkol sa kanila.

Althea's POV

Hindi ko na nagawa pang komprontahin si nanay sa ginawa nito kay Jade para layuan ako. Hindi man ito nagsasalita ay nakikita kong pinagsisihan na nito iyon. Hindi na rin naman maibabalik pa ang nakaraan. Kaya pinili ko na lang na tanggapin.

Binawian si Ben ng buhay noong araw matapos namin maicelebrate ang first birthday ng aming anak na si Benjamin Moreno Jr. na BJ for short.

Namatay siya na alam kong masaya dahil sa pagkakaroon namin ng isang BJ. Maging ang pamilya nito ay masayang-masaya rin lalo na ang parents nito. Nawala man raw si Ben ay si BJ raw ang naging kapalit. Kaya labis-labis ang pasasalamat nila sa akin dahil doon. Kahit papaano ay naibsan ang lungkot nila sa pagkawala ng kanilang anak.

CRUSHY  BABETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon