Chapter Eighteen

3.5K 155 6
                                    

Althea's POV

Habang kinakantahan ko si Jade ay hindi ko mapigilan ang aking emosyon. Kusang bumubukal ang mga luha sa aking mga mata. Ganon ba talaga kapag sobrang mahal mo ang isang tao? Tipong halos pati sarili mo nakakalimutan mo na dahil sa kanya? "I love you so much Jade with all my heart." Bulong ko kahit alam kong mahimbing na siyang natutulog. 

"I love you too my love. Please go to sleep now. We'll wake up early tomorrow." Nakapikit nitong tugon sa inaantok na tinig. Narinig pala niya ang sinabi ko.

Hinalikan ko ulit siya sa noo at ipinikit ko na rin ang aking mga mata para matulog. "Goodnight Babe.."

"Goodnight.." Tugon muli nito na mas hinigpitan pa ang pagkakayakap sa kin at naramdaman ko ang pagsilid ng isa niyang kamay sa loob ng panty ko. Muli akong napamulat at tumingin sa mukha niya. 

"Babe, seriously? Gusto mo ba talaga akong patulugin?" Natatawa kong tanong sa kanya.

"Ano ba Love? Huwag ka ngang maingay. Inaantok na ako. Please matulog ka na." Nakapikit nitong reklamo sa akin pero yong kamay nya nakahawak pa rin sa ano ko.

Naiiling na hinayaan ko na lang siya sa trip niya. Sinubukan ko na lang matulog bagaman may mainit na palad na gumigising sa diwa ko.

++++++

Gumising ako ng maaga para makapagluto ng breakfast. Dahan-dahan akong bumangon at nagtungo sa banyo upang maghilamos at mag-toothbrush. Then lumabas na ako ng kwarto at nagtungo na sa kusina.

Mabuti na lang at kahit papaano ay may laman ang ref ni Jade. Binilisan ko ang kilos ko para paglabas ng mahal ko ay nakahanda na ang breakfast namin.

After 20 minutes ay naiready ko na lahat sa mesa. Ngunit hindi pa rin lumalabas si Jade. Kaya't muli akong pumasok sa loob ng kwarto para gisingin ito. Subalit pagbukas ko ng pinto ay wala na ito sa ibabaw ng kama. Narinig ko ang lagaslas ng tubig na nagmumula sa banyo. Gising na rin pala siya. Inuna nga lang ang pagligo.

Lumapit ako sa pintuan ng banyo at kinatok ito. "Babe ready na ang breakfast natin. Bilisan mo na lang ng pagligo. Labas ka agad ha? I'll wait you in the living room. " Narinig kong pinatay nito ang shower sabay bukas ng pinto. Nanlaki ang aking mga mata nang mabungaran siyang nakahubad at walang kahit na anong saplot sa katawan. Napalunok tuloy ako ng ilang beses na ikinangisi nito.

"Love kung makareact ka naman diyan parang first time mo lang ito nakita."

Nasapo ko ang aking noo habang nakangiting naiiling. "My god naman Babe! Agang-aga pinagpapawisan ako sayo. Bilisan mo na nga lang diyan. Lalamig yong niluto ko for you." Tatalikod na sana ako nang bigla ako nitong hilahin papasok sa loob ng banyo sabay close ng door.

"Babe anong ginagawa mo?" Itinapat niya ako sa shower at binuhay iyon. "Aw!!! Babe ang lamig!" Ang lakas ng tawa nito na animo'y batang naglalaro sa gitna ng ulanan.

"Papaliguan lang kita love. Hindi kita rereypin. No worries, okay?" Anitong mamatay-matay na sa pagtawa.

Nalulunod ako sa pagbagsak ng tubig mula sa shower pero hindi ko maiwasang mapatingin sa kanyang hubad na katawan. "Babe nakahubad ka... natutukso ako sayo. Ano ba!" Reklamo ko rito ngunit tinatawanan lang niya ako.

"Hubarin mo na yang damit mo. Bilis! Lalagyan ko ng shower gel ang katawan mo."

Natatawang sinunod ko ang sinabi niya. Ngunit itinira ko ang suot kong panloob. "Seryoso ka Babe? Ginagawa mo naman akong baby nito e."

"Galura! Bilisan mo, ano ba! Hubarin mo na lahat." Masungit na naman nitong utos sa akin pero pigil ang pagtawa. 

"Nakakaloka ka Babe! Kapag ako hindi nakapagpigil ako ang mangre-rape sayo." Napansin kong namula ang pisnge nito. Tinablan siguro sa panunukso ko. "Heto na huhubarin ko na lahat." Nakangisi kong sabi na hindi inaalis ang tingin sa mukha niya. Ngunit pinigilan niya ang kamay ko.

CRUSHY  BABETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon