Chapter Eleven

4.1K 171 1
                                    

Althea's POV


Hindi pa rin ako nakakabawi sa nasaksihan ko kanina. Kaya't hinagilap ni Jade ang isa kong kamay.

"Love?" Anitong sa daan nakatutok ang tingin habang nagmamaneho. "Are you alright? Kanina ka pang tahimik." Pasulyap-sulyap nitong sabi sa akin.

Napabuntong hininga ako. "Hindi kasi ako makapaniwala Babe na mas pinili mo ako over him." Teary-eyed kong amin sa kanya. "Isang Peejay Ramirez na halos pagkaguluhan ng mga girls sa party na iyon? Tinalo lang naman ng isang Althea Galura sa puso ng napakagandang babaeng si Jade Howell. Wow! Sobrang wow, Babe."

I heard her giggled. Mas hinigpitan pa nito ang pagkakahawak sa kamay ko. "Miski ako love. Hindi rin ako makapaniwala sa sarili ko na maiinlove ako sayo ng ganitong katindi. Alam mo yon, buong buhay ko akala ko babaeng-babae ako. Tapos nakilala lang kita nabaluktot na." She giggled again. "Kung minsan nga iniisip ko baka ginamitan mo ako ng black magic. Kasi baliw na baliw ako sayo." Dagdag pa nito habang natatawa pa rin.

"Hey! Wala akong alam sa mga black magic noh! Malay ko bang maiinlove ka rin sa kin." Kunwari kong inis na tugon sa kanya.

"I'm just kidding love. Masyado ka namang seryoso." Napapitlag ako nang biglang halikan nito ang kamay kong hawak-hawak nito. May dalang kakaibang init sa aking katawan na hindi ko maintindihan. "Humanda ka sa kin love. Hindi kita patutulugin ngayong gabi." Nakangisi pa nitong sabi.

"Babe, ano na namang kalokohan yan? Ninenerbyos ako sayo e. Pasalamat ka mahal kita." 

Napahagikhik ulit ito ng tawa na animo'y may binabalak ngang gagawin. Napailing na lang ako sa kapilyahan nito. 

"Grabe ka naman Love. Kala mo naman mabubuntis kapag ni-rape ko."

Jusko! Panginoong mahabagin. Ano bang pumapasok sa utak ng babaeng ito? Nag-init bigla ang magkabila kong pisnge. Napalunok tuloy ako ng ilang ulit. "Babe naman e.. Nakakainis ka!"

Mas lalo itong napatawa. "You're blushing love. Are you scared of me?"

"I'm not scared of you. I'm just scared of the naughty mind of yours."

Napabungisngis ulit ito ng tawa. "Love alam kong pagod ka. Okay? So stop making your eyes bigger than the original of yours. I'm just teasing you."

Nahampas ko na naman siya ng very light sa braso. "Ikaw Babe palagi mo na lang akong tinutukso. Nakakainis ka talaga!" Ngunit tinawanan niya lang ulit ako. Ang pilya nya talaga. Kung alam lang niya ang nararamdaman ng marupok kong puso. Parang konti na lang ay bibigay na sa kapilyahan nya.

Ilang sandali pa ay naipasok na nito ang kotse sa loob ng building ng condo unit nito.  


Jade's POV


Pagkapasok namin sa loob ng condo ay pinauna ko na si Althea sa bathroom para makapagpahinga na siya agad. Alam kong pagod na pagod ito sa naging trabaho sa kanilang catering.

Ang ibinigay ko sa kanyang pantulog ay tank top at boxer short. Naglabas rin ako ng bagong panty para sa kanya. Dahil mukhang pagod na talaga siya ay hindi na nakuhang magreklamo sa damit na inabot ko.

Habang nasa loob ito ng banyo ay hinubad ko na ang dress ko pati ang mga suot ko na accessories. Palakad-lakad ako sa loob ng kwarto ko na nakabra at panty lamang na animo'y rumarampa sa pageant ng Miss Universe.

Nagtungo ako sa harap ng salamin para magtanggal ng make up sa mukha. After five minutes more ay lumabas na si Althea sa banyo na nakatapis lang ng tuwalya sa katawan. Napatigil ito sa paghakbang nang mapatingin sa akin at nanlalaki na naman ang mga mata na pinasadahan ako ng tingin mula ulo hanggang paa. Nag-init ang magkabila kong pisnge sa ginawa niya. Ngunit hindi ko iyon ipinahalata. Sa halip ay nakangisi akong lumapit sa kanya at nagkatitigan na naman kami.

CRUSHY  BABEWhere stories live. Discover now