Chapter 24

3.2K 159 4
                                    

Jade's POV


Akay-akay namin ni Althea ang kapatid kong bunso sa magkabilang kamay habang papalapit kami sa cottage na malapit sa tabing dagat kung saan naroroon ang aming mga kasama. Takang napatingin si Aljur sa akin. "What?" Pigil ang pagngiting tanong ko rito. Well nakasuot lang naman ako ng long sleeve na wet suit na short ang katerno. Hindi kasi ako pinayagan ng magaling kong girlfriend na magsuot ng kinasanayan kong suotin na swim suit sa tuwing may outing kami. Kaya't heto't ipinagbaon niya ako ng wet suit. Balot kung balot ang peg ko ngayon.

"You still look gorgeous, sweetheart!" Nakangiti nitong sagot sa akin matapos akong pasadahan ng tingin.

Upang hindi nila isipin na nag-usap kami ni Althea sa suot ay hindi nito sinuot ang wet suit na dapat ay susuotin rin nito. Sa halip ay nagsando na lang ito at maiksing short.

"Much better for you anak!" Sabi ng Mommy ko na nagthumbs up pa. "Ganyan nga, hindi yong ibinibilad mo ang katawan mo sa karamihan."

"Mommy naman e!" Sabay tirik ko ng aking mga mata subalit tinawanan lang ako nito. Napasulyap ako sa gawi ni Althea na tila aliw na aliw sa kagandahan ng paligid.

"Hindi ako mahilig magbeach dahil hindi ako marunong maglangoy. But I never expected this much. Napakaganda pala sa tabing dagat lalo na kung white sand at malinaw ang tubig." Nakangiting sambit nito.

"Tuturuan kita mag-swim Ate Ganda, gusto mo?" Pacute na naman ng kapatid ko.

"Kala mo naman expert maglangoy." Angil ko sa bunso kong kapatid. "Sige nga dalhin kita sa tubig hanggang balikat ko. Kaya mo?"

Napakamot ito sa ulo. "Ayoko Ate Jade baka may shark."

Napatawa kami ni Althea sa naging reaksyon nito. "So pano mo ako tuturuan maglangoy bunso kung takot ka pala sa shark?"

"Doon lang tayo sa tabi Ate Ganda." Sagot nito na lalo naming ikinatawa.

"Ang tangkad-tangkad ko tapos sa tabi lang ako? Baka naman magalusan ako sa paglangoy."

"Jade tara! Racing ulit tayo sa paglangoy." Sabay hila sa akin ni Aljur papunta sa tubig. Dahil sa lakas ng pwersa nito ay wala akong nagawa kung hindi ang mapasunod rito.

"Pasali ako guys!" Hiyaw ni Rafael na nagtatakbo rin sa dagat. Hinayaan ko silang mauna ni Aljur palaot.

"Althea!!!" Tawag ko sa girlfriend ko. "Halika bilis!" Sumunod ito habang hawak-hawak pa rin ang isang kamay ni bunso. Hiniram ko ang salbabidang gamit-gamit ni Kennette na agad naman nitong ipinahiram nang malaman nitong ipapagamit ko kay Althea. "Sakay ka rito. We will go in the middle of the sea."

"Ano? Takot ako Jade. Hindi ako marunong lumangoy."

"Wala ka bang tiwala sa akin?" Taas ang isang kilay kong tanong sa kanya. "Hindi kita hahayaang malunod. Sige na!"

Kahit halatang takot na takot ay agad na lumusong ito sa tubig at iniwan si bunso sa tabi na nakatanaw lamang sa amin.

"Don't be scared love. Kapit ka lang ng mahigpit sa salbabida. Relax, okay?" Medyo namumutla na ito sa takot kaya't hinawakan ko siya ng mahigpit sa isang kamay upang kahit papaano ay mabawasan ang fear nito sa dagat. "Are you ready Love?"

"Babe, anumang mangyari mahal kita."

"Hey! Stop acting like that love. Do you love me?"

"Yes I do, Jade." Sagot nito sabay tango.

"Then trust me."

"But I don't know how to swim. I'm so scared in the water."

"Aalisin natin ang fear mo na yan. Don't look at the water. Just look at me, okay?" Parang batang tumango ulit ito na hindi inaalis ang tingin sa akin. Hinila ko na siya sa palalim na palalim na bahagi ng tubig. Hanggang nakalayo na talaga kami. "We're here na.. See? We still alive."

CRUSHY  BABETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon