Chapter 32

3.9K 149 6
                                    

Althea's POV

Simula nang mawala si Ben sa buhay namin ng anak ko ay lumipat kami ng tirahan. Kumuha ako ng isang condo unit na para sa aming dalawa lang na mag-ina kasama ang nanny nito na may sariling room, maliit lang na maid's room kung tawagin.

"Love kinakabahan ako sa anak mo. Pano kung hindi nya ako magustuhan?"

"Babe.. Matalino ang anak ko. Huwag kang mag-alala. Kung pano tayo natanggap ng Daddy nya noon. Naniniwala ako na ganon rin siya."

Pagkapark ko ng sasakyan ay magkasabay kaming bumaba at naglakad patungo sa elevator. Nasa 7th floor ang unit ko. Hindi kami makapagholding hands dahil may mga nakasabay kaming pataas. Then una kaming bumaba at saka ko lang hinagilap ang kamay niya. Kinikilig na napahagikhik ito ng tawa. "Anong nakakatawa Babe ko?"

Umiling ito. "Nakuryente ako sa paghawak mo sa kamay ko. Infairness, ikaw lang ang nakakagawa nyan sa akin. I never felt that to anybody."

Tumigil ako sa paghakbang at hinarap ito. "The effects of being in love to each other. I love you and you love me too. We're soulmate, right?"

"Higit pa sa soulmate. Nakakaadik ka kayang mahalin. Tingnan mo si Arci mukhang patay na patay rin sayo. Pero sorry siya kasi sa akin ka lang."

Napatawa ako sa the way ng pagkakasabi niya. Para kasi akong pagkain na gusto nitong ipagdamot. "Sayong-sayo lang talaga ako kaya halika na sa loob." Hinila ko na siya patungo sa unit ko. Nadatnan namin si Bj na nanonood ng cartoons sa 42 inches na tv habang nakaupo sa couch at may hawak na isang bowl na coco crunch na babad sa milk fresh.

"Mommy.." Hyper nitong bati na biglang natigilan nang mapansin si Jade sa aking likuran.

"Hi baby.. How's your school?" Ngunit hindi nito pinansin ang tinatanong ko dahil ang mga mata nito ay nakakatutok lang sa napakagandang babaeng kasama ko. "Have you remembered the pretty lady in London?" Bahagya itong tumango na tila hindi makapaniwala sa nakikita.

"Hi cute little boy." Nakangiting bati rito ni Jade. "Nice to see you again."

"Are you going to ask my Mom to pay the pasalubong that I brought for her?" Biglang naitanong nito.

Nagkatinginan kami ni Jade at sabay kaming napatawa. "Of course not baby! You're so very smart kiddo. I told you.. it's free. Why would I do that?"

"Then why are you here?" Muli nitong tanong.

"Son, she's my favorite person, aside from you." Agaw pansin ko rito saka lang ito tumingin sa akin.

"Close friend like Ninang Batchi and Ninang Wila?"

"More than that anak." Naguguluhan na napatingin ulit ito kay Jade.

"Okay lang ba sayo na maging dalawa na ang Mommy mo?" Tanong nito sa anak ko. "You can call me Mommy Jade if you want."

"Mommy dito na rin ba siya titira sa atin?" Muling baling sa akin ng bata.

"Depends on her if she like to live with us or not, my son." Nagulat ako nang bigla nitong ibitang sa centre table ang hawak na bowl at lumapit kay Jade para yakapin.

"My Mom has a beautiful smile right now. Please stay with us." Malambing nitong sabi sa medyo bulol na pagkakasalita.

Nagkatinginan kami ni Jade at naiiyak na niyakap rin nito ang anak ko. Lumapit ako sa kanila para makiyakap rin. "I love you both. Kay tagal kong hinintay ang araw na ito. Wala na akong mahihiling pa. Kundi ang makasama ko lang kayong dalawa." Pareho ko silang hinalikan sa noo.

Jade's POV

Kahit nasa bahay ay nagtatrabaho pa rin si Althea. Busy ito sa harap ng kanyang laptop. "Babe sorry ha? Kailangan ko lang tapusin ito."

CRUSHY  BABEWhere stories live. Discover now