Chapter Sixteen

3K 186 7
                                    

Althea's POV


Hindi ko na naubutan ang kotse ni Jade sa parking lot ng school kaya sumakay na lang ako ng taxi papunta sa condo nito.

Subalit nang makarating ako sa kanyang condo ay hindi naman ako nito pinagbubuksan ng pinto kahit nakailang beses na akong nagdoorbell. Sinubukan kong tawagan sa celpon ngunit kina-cancel naman nito ang tawag ko. Kaya nagtext na lang ako sa kanya at agad naman itong nagreply.

Damn it! Nasa Laguna pala ito ngayon. Mabibigat ang mga paa kong lumisan na sa lugar na iyon. Ganon na bang katindi ang galit niya sa akin para hindi niya ako kausapin o baka naman iniisip niya na gagawin ko rin ang ginawa sa kanya ng ex-boyfriend niyang si Peejay? 'My God! Jade.. Masyado kitang mahal para gawin sayo yon.' Nasambit ko na lang sa aking sarili.


+++++

Kinabukasan ng umaga ay sinadya kong agahan ang pagpasok sa school para abangan ang pagdating ni Jade. Pumwesto ako sa labas ng gate kung saan dumaraan ang mga sasakyan papasok sa loob ng gate ng eskwelahan.

"Best anong ginagawa mo diyan?" Sasakyan pala ni Ben ang pumara sa harap ko na ibinaba ang mirror ng bintana ng sasakyan para magkakitaan kami.

"B-ben.. Ah w-wala.. May hinihintay lang ako rito. Mauna ka na sa loob. Baka ma-late ka pa sa klase mo." Ngunit parang nabasa niya ang lungkot sa aking mga mata.

"May.. may problema ba kayo ni Jade, Best?"

Ngumiti ako sabay iling. "Wala kaming problema ni Jade, Best. Mauna ka na nga sabi sa loob."

"Althea.. Hindi ka talaga marunong magsinungaling kahit kailan." Naiiling nitong sabi. "Sandaling lang ha? Magpapark lang ako ng sasakyan at babalikan kita diyan pagkatapos."

"Ben, please.. Hayaan mo muna akong ayusin ito ng mag-isa. Kapag hindi ko na kaya, saka ako lalapit sayo. Oo may problema kami ni Jade. Pero naniniwala ako na maaayos rin namin ito."

Huminga ito ng malalim at tumango na lamang. "Ikaw ang bahala Best. Basta nandito lang ako kapag kailangan mo."

"Alam ko yon Ben. Kaya sige na at baka ma-late ka pa sa klase mo."

Tumango ulit ito sa kin. "Okay! I'll go ahead." At pinausad na nito ang sasakyan papasok sa loob ng gate.

Hinabol ko na lang ito ng tingin hanggang sa makalayo ito. Maraming sasakyan ang muling dumaan subalit wala pa rin ang kotse ni Jade. Napatingin ako sa wrist watch kong suot. Marahil natraffic lang ito sa daan. Dapat sa oras na ito ay nasa school na siya. Ngunit sa muling pagsulyap ko sa isa pang sasakyang dumating ay biglang lumundag ang puso ko.

Tumigil saglit ang sasakyan nito sa harap ko na parang tiningnan lang ako pero agad ring umusad papasok sa loob ng gate. Kung ganon ay galit pa rin talaga ito sa akin. Medyo namumuo na naman ang mga luha sa mga mata ko na tila nagbabadya na namang lumaglag.


Jade's POV


Pagkapark ko ng sasakyan ay hindi muna ako lumabas ng kotse. Naalala ko ang itsura ni Althea kanina. Malungkot ang mga mata nito na tila kulang sa tulog. Naisubsob ko ang aking ulo sa manibela at napapikit sandali.

Nagulat ako nang may kumatok sa bintana ng kotse ko. "Hay! Ano ba naman Sally." Iritable kong reklamo rito bagaman hindi ako nito naririnig. Si Althea kasi ang ineexpect ko na gagawa nun kaya medyo nairita ako at nadismayang hindi pala siya yon. Binuksan ko na ang pintuan ng kotse at bumaba na ako. "Ano ready na ba ang stage natin sa auditorium?"

CRUSHY  BABEUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum