Chapter 33

3.4K 151 11
                                    

Althea's POV

Hindi ko pansin ang maya't- mayang pagsulyap sa akin nina Batchi at Wila. Napapangiti na lang kasi akong bigla na parang timang. Ewan ko ba! Hindi mawala-wala sa isip ko ang mga nangyari sa amin ni Jade. Ang mga halik at yakap niya na akala ko hindi ko na mararanasan pang muli. Naiiling na napapangiti na naman ako. Parang excited na akong gumabi para makita ko na ulit siya.

"Tsong! Ganda ng ngiti natin ah.. Kwento ka naman diyan." Kantiyaw sa akin ni Batchi.

"Saka na Batchi kapag okay na ang lahat. Sa ngayon medyo complicated pa." Nangingiti kong sagot sa kanya.

"E pano may boyfriend pa ang kinakalantari mo. Ewan ko ba sayo Althea! Kung bakit gustong-gusto mo pa rin yang si Jade." Sabat ni Wila na nagtirik pa ng mga mata na siyang mannerism na yata nito.

"Wila ganon talaga kapag inlove na inlove ka sa isang tao. Huwag ka ngang bitter." Pang-asar na sagot rito ni Batchi.

"Guys, alam nyo naman na si Jade lang ang minahal ko ng sobra noon pa man. Hanggang ngayon siya pa rin talaga ang nasa puso ko at never siyang nawala." Nagpakawala ako ng isang malalim na buntong hininga at napatingin ako sa kawalan. "Nagiging makulay lang ang mundo kapag kasama ko siya. Ang saya-saya ko kasi sa kabila ng lahat ng nangyari mahal pa rin ako ni Jade. Mahal pa rin namin ang isa't-isa."

"So anong plano nyo ni Jade, kung hindi pa pala sila break ng boyfriend nya?" Seryosong tanong sa akin ni Batchi.

Natahimik akong sandali at napaisip. "Wala naman akong choice Batchi kundi ang maghintay. Panghahawakan ko na lang ang mga pangakong binitiwan nya sa akin."

"Magkasama ba kayo kagabi?" Muli nitong tanong sa nakakalokong pagngisi. Napatingin ako kay Wila na waring nag-iwas ng tingin sa akin. Nagseselos na naman ang itsura nito.

"Oo magkasama kami kagabi." Sabay ngiti ko ng malapad.

"Ayiiih.. Kaya naman pala parang mapupunit na ang mga labi sa pagngiti." Tukso na naman nito sa akin. "Tanong ko lang, sinong mas naging agresibo sa inyong dalawa?"

"Siraulo ka Batchi! Kung ano-anong ipinapasok mo diyan sa utak mo." Inis-inisan kong sabi rito.

Ang lakas ng tawa nito. "Siyempre maaari bang mawala yong ganon? Pareho kayong uhaw at sabik. Kaya huwag kang ano diyan Tsong! Ano na? Dali kwento.."

Napabungisngis ako ng tawa sa kakulitan nitong bestfriend ko. "Matigil ka Batchi! Ang dapat sayo nagkaka-love life na para hindi mo na ako palaging nakikita."

"Marami kaya akong chicks. Kala mo ha! Pogi kaya ako." Sabay pacute nito sa akin.

"I mean yong seryoso hindi yong mga fling-fling lang. Ikaw talaga!"

"Bakit pa? Kung masasaktan lang din naman ako. Ayos na yong ganito. Masaya naman ako e." Kindat pa nito.

"Hindi lahat ng babae katulad ni Abby. Maniwala ka sa kin Tsong. May darating rin na tao na totoong mamahalin ka. Huwag kang matakot na masaktan. Part ng buhay natin ang masaktan kapag nagmamahal tayo."

"Binanggit mo na naman ang pangalan ng ex nyan. Siguradong mag-iinom na naman yan sa bahay nya pag-uwi." Sabat ulit ni Wila.

"Hoy! Nakamove-on na ako kay Abby, Wila. Wala na akong pakialam doon kahit magkasalubong pa ang mga landas namin."

"Talaga lang ha? Iba ang sinasabi ng bibig sa totoong nararamdaman. Ewan ko lang sayong payatot ka. Sana nga mag-cross na ang landas nyo para talagang maka-move ka na."

Natahimik bigla si Batchi. Mukhang kailangan nga nito ng closure upang tuluyang makalimot sa dating nobya.

Jade's POV

CRUSHY  BABEWhere stories live. Discover now