Chapter 34

3K 137 9
                                    

Althea's POV

Halos dalawang buwan na rin ang nakalipas simula nang bumalik si Jade sa London. Miss na miss ko na siya.

Ilang beses na nagtangkang manggulo ni Jason sa loob ng restaurant. Hindi pa rin nito matanggap na iniwan ito ni Jade dahil sa akin. Subalit kelan lang ay nabalitaan ko na malapit na itong ikasal sa babaeng nag-ngangalang Alison Lim na anak ng isang mayamang intsik na nagmamay-ari ng isang kilalang mobile phone company.

Marahil nabalitaan na rin iyon ni Jade kaya hindi pa nito magawang bumalik agad. Miss na miss ko na talaga siya ngunit wala naman akong magawa. Kailangan kong maghintay at magtiwala sa kanya.

"Hi Honey!" Masayang bati sa akin ni Arci na hindi ko namalayang nakalapit sa tabi ko. Bumeso ito sa akin. "Mukhang napakalalim ng iniisip mo."

"Arci naman e. Althea ang pangalan ko hindi Honey. Ilang beses ko bang sasabihin sayo yan?" Medyo inis na sagot ko.

"Eto naman hindi na nasanay sa akin. Anong bang meron si Jade na hindi mo makita sa akin?" Nakatitig na tanong nito sa akin.

Napatawa ako ng bahagya. "Nag-iisa lang si Jade. Walang ibang pwedeng pumalit sa puso ko."

Napasimangot ito. "Kung ganon bakit iniwan ka na naman niya? Hindi ba dapat na nasa tabi mo lang siya?"

"Babalik siya Arci.. Kailangan ko lang na maghintay."

"Well it's been two months na pero wala man lang paramdam sayo kahit man lang isang message para itanong kung okay ka."

Napaisip akong sandali. Meron itong point ngunit mas nananaig ang tiwala ko kay Jade. "Arci gaano na kayo katagal ng boyfriend mo?" Pag-iiba ko ng usapan.

"Break na kami Althea." Mabilis na sagot nito na tila wala lang rito. Hindi man lang makikitaan ng anumang lungkot nang sabihin ang mga katagang iyon.

Natigilan ako at bahagyang nag-iwas ng tingin. Medyo sumakit ang sintido ko dahil sa sinabi nito.

"Althea sa akin ka na lang. Kaya kong ipagpalit ang career ko mapasa-akin ka lang Honey." Naramdaman ko ang banayad na paghawak nito sa isa kong kamay. Napatingin ako na bahagya kong binawi.

Tumunghay ako para salubungin ang mga tingin niya. "Arci may mahal akong iba. Mahal ko si Jade. Kaya hindi pwede ang nais mo."

Napansin ko ang pasimpleng pagpahid nito ng mga luha. "Takte! Ngayon lang ako nagmahal ng katulad mo pero ngayon lang ako nabigo. Mahirap ba akong mahalin, Althea?"

"Noon pa man ay si Jade na talaga ang nagmamay-ari ng puso ko. Wala akong ibang minahal kundi siya lang, Arci. Mahal na mahal ko si Jade."

"Hindi ka man lang ba nagandahan sa akin?" Himutok nito.

"Arci sa totoo lang ay napakaganda mo. Walang lalaki na hindi magkakagusto sayo."

"E ikaw nagkagusto ka ba sa akin kahit minsan?"

"Arci..."

"Sagutin mo ang katanungan ko. Minsan ba ay nagustuhan mo rin ako?"

"Nagagandahan ako sayo. Iyon ang totoo but it doesn't mean na may gusto na ako sayo."

"Althea mahal kita. Hindi ka mawala sa isip ko. Sana ako na lang ang mahalin mo."

Napalunok ako sa kanyang sinabi. Nagsusumamo ang mga mata nitong nakatitig sa akin. "A-arci.. Hindi ako ang taong para sayo. Importante ka sa akin bilang kaibigan. Sana maintindihan mo."

"Wala na akong pakialam kung hindi mo ako gusto. Basta mahal kita. Make love with me Althea."

Nanlaki ang mga mata ko sa kanyang sinabi. "Hey! Don't ever say that again. Mataas ang respeto ko sayo Arci. May tamang tao na para sayo. Hindi mo kailangang magpakababa ng ganyan."

CRUSHY  BABETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon