Chapter Fifteen

3.3K 154 7
                                    

Althea's POV


Sa loob ng classroom habang hinihintay namin ang aming professor sa baking and pastry na si Chef Romel ay biglang may pumasok na napakaganda, sexy at napakatangkad na babae. Sophisticated ang dating at kaakit-akit. Bahagya kong ipinilig ang aking ulo. Dahil para sa akin ay si Jade lang ang pinakamaganda. Erase! Erase! Sabi ng utak ko. Hindi ako pwedeng magka-crush sa ibang babae.

"Good morning everyone!" Nakangiti nitong bati sa amin. Yong mga lalaki kong kaklase ay napapanganga at halos lumuwa ang mga mata sa paghanga sa napakagandang nilalang na nasa aming harapan ngayon. "I'm sorry guys but I will be your new instructor starting for today on this subject, Baking and Pastry." Nagkatinginan kaming magkakaklase na bakas pa rin ang pagkagulat.

"Ano pong nangyari kay Chef Romel?" Lakas loob na tanong ni Lilibeth na nakaupo sa aking likuran.

"Well, sad to say guys but Chef Romel has needed to take a leave for some important matter. Pinakiusapan niya ako na itake over ko ang ilang klase niya dito sa University to save him. He's a good friend of mine. So pumayag ako." Inisa-isa nitong tingnan ang mga mukha namin at napatigil ito sa aking gawi. Totoo ba itong nakikita ko, nakangiti siya sa akin? Kinabahan naman akong bigla. Ginantihan ko na lang rin ito ng nahihiyang ngiti at nag-iwas ako ng tingin rito. "Anyway, I am Kathleen Heusaff. You can call me guys, Chef Kathleen. I am a Pastry Chef and a co-owner to the well known Company called Raffy's Baker." Napa-wow ang mga kaklase ko. Isa sa mga kilalang bakery iyon sa bansa na grabe sa sarap ang mga bread at cake. "Even Chef Romel was a part of it."

Nagsimula na itong maglecture sa amin at panaka-nakang nagkukwento ng mga naging karanasan sa kanyang trabaho. Minsan na rin pala itong na-interview sa isang morning talk show sa television habang tinuturuan nito ang isang young actress sa mga right procedure na dapat tandaan kapag nagbi-bake ng cake.

Nag-raise ng hand si Alden, ang pinakapogi sa aming klase. "Yes please.. What is your name?"

Tumayo ang binata saka nagsalita. "I'm Alden Mendoza po Ma'am. If you don't mind me asking. Are you single po?" Nagtawanan ang mga kaklase ko. Umire na naman kasi ang pagka-chick boy nitong si Alden.

"Mr. Mendoza, what's the matter if I am single or not? Just to let you know guys that i'm here to teach you but not to distract you. You understand?" Natahimik bigla ang lahat. "I said, You understand guys?" Ulit nito in a professional manners.

"Yes Chef Kathleen." Sabay-sabay naming bigkas.

"Good!" Binalingan ulit nito ang nakatungong si Alden. "Mr. Mendoza.." Tawag nito.

"Yes po Chef Kathleen. I'm sorry po."

"No. It's fine." Nakangiti na nitong sagot. "Anyway, I had spoken with Chef Romel and he was telling me about your Midterm exam that unfortunately will fall by the end of this week. And he said, you were having a practical exam for a cake decoration. Is that right?"

"Yes Chef Kathleen." Sabay-sabay na naman naming sagot.

"Then change your clothes with a complete chef uniform and i'll see you to the Kitchen Laboratory number 3. We will having a practice demo. See you later guys." Tumayo na ito at nagtungo na palabas ng pinto.

"Grabe ang hot ni Chef Kathleen. Sana sa simula pa lang ay siya na ang naging Prof natin." Bulalas ng makulit na si Jeffrey pagkalabas na pagkalabas ni Chef Kathleen.

"Oo nga Bro! Hanep yong butt nya. Ang sexy talaga." Sabi naman ng mayabang na si Diego na parang nakikita pa rin sa imahinasyon ang magandang professor.

Tumayo na ako at nag-ayos na ng mga gamit ko. Kailangan pala naming magpalit ng chef uniform. Kukuhanin ko pa iyon sa locker ko. Kaya nagmadali na akong lumabas ng classroom. Narinig ko pa ang pagkantiyaw nila sa chick boy na si Alden bago ako tuluyang makalabas.

CRUSHY  BABEOù les histoires vivent. Découvrez maintenant