Chapter 26

3K 127 17
                                    

Jade's POV

***Five years later***

Walang araw na hindi ko naaalala si Althea. Naiiyak pa rin ako sa tuwing sumasagi sa isipan ko kung paano ko siya nasaktan sa paglayo ko.

Balita ko ikinasal na siya kay Ben. Ang sakit-sakit pa rin pala kahit sobrang tagal na. Kusang tumulo ang mga luha sa mga mata ko. Hanggang ngayon nasa puso ko pa rin siya. Sa loob ng limang taon ay hindi ako nagkaroon ng ibang karelasyon kahit sa totoo lang ay napakarami namang nagtangkang ligawan ako. Maybe hindi pa rin talaga ako nakakamove-on sa kanya.

Nagpahid ako ng mga luha at muling ibinaling ang aking pansin sa pagliligpit ng mga gamit kong dadalhin pauwi ng Pilipinas. One week lang ako doon at babalik din agad. Kasisimula ko lang kasi magtayo ng business na isang clothing line collection sa tulong ng Daddy ko. Business partner ko si Bianca na naging bestfriend ko at naging sandalan ko rin sa mga panahong sobrang down na down ako. Bukod sa mga sarili kong designs ay may mga trusted designers at dress makers kaming naihire kaya kahit papaano ay bumebenta na ang shop namen na medyo unti-unti nang nakikilala. 

Bahagya akong napangiti. Binata na nga pala si bunso. 15 years old na ito ngayon. Tapos si Kennette 17 na. Sa wakas ay magkikita-kita na ulit kami sa hinahaba-haba ng panahon na hindi ko sila nakita at nakasama. Tanging sa skype at sa chat lang kami nagkakausap or kung minsan tumatawag rin ako sa kanila.

Huminga ako ng malalim at muling inalala ang mga nangyari noon.

***Flash Back***

Sobrang masaya kami ni Althea habang lumilipas ang mga araw. Nakapagcelebrate kami ng birthday nya kasama ang buong tropa. Naicelebrate rin namin ang first monthsary, valentines day at pati na rin ang second monthsary namen.

Ngunit isang araw sa hindi inaasahang pangyayari ay nahuli kami ng nanay nya na naghahalikan sa living room ng bahay nila. Galit na galit ito na tila sasamain sa nasaksihan. "Diyos ko Albert! Ang anak mo!"

"Nay, sorry po nay!!!" Makaawang iyak ni Althea sa ina. "Mahal ko po si Jade, Nay!"

"Anong nangyayari dito?" Bulalas ni Tatay Albert nang makita ang kanyang mag-ina sa ganong akto. Nakaluhod si Althea sa harap ng kanyang ina habang ako ay nakatayo sa isang sulok at hindi alam kung anong gagawin. 

Umiiyak na napayakap si Nanay Cristy sa asawa. "Ang anak mo at si Jade."

"Tay.. Nay.. Sorry po! Mahal ko si Jade. Girlfriend ko po siya." Humahagulhol na si Althea ng iyak kaya lumapit ako sa likuran niya at itinayo siya mula sa pagkakaluhod. Gulat na gulat naman ang Tatay nitong napatingin sa akin.

"Mahal ko po ang anak nyo Tatay Albert at Nanay Cristy.." Umiiyak na naibulalas ko.

Galit na hinarap ako ng may edad na babae. "Huwag mo kami matawag-tawag na Nanay at Tatay dahil hindi ka namin anak! Umuwi ka na sa inyo dahil hindi ka na welcome sa bahay na ito!" 

Parang punyal na itinarak sa puso ko ang aking mga narinig. "Nay please.. Huwag pong ganito. Mahal ko po si Jade. Hindi ko siya kayang mawala. Tay pakiusap po." Muling makaawa ni Althea.

"Sige na Jade umuwi ka na muna. Mag-uusap muna kami ng mag-ina ko." Maawtoridad na sabi sa akin ng Tatay nya. Tumango na lang ako at nagsimulang maglakad palabas.

"J-jade.. Jade!!!" Habol sa akin ni Althea.

"Althea anak bumalik ka dito kailangan nating mag-usap." Narinig kong hiyaw ng Tatay nito. Ngunit tila hindi nito pinansin dahil humabol pa rin ito sa akin hanggang sa labas.

CRUSHY  BABETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon