Chapter 39

3.8K 147 11
                                    

Althea's POV

Time runs fast...

Napakaraming kasiyahan at mga pagsubok na naganap. Sa kasal nina David at Sally ay napagsuot namin si Batchi ng gown. Namangha ang karamihan dahil napakaganda ng bestfriend ko nang araw na iyon. But of course wala nang gaganda pa sa aking pinakamamahal na si Jade. Siya ang maid of honor ni Sally habang kami nina Batchi at Wila ay kasali sa bridesmaid. Hindi na naihabol si Abby dahil naidistribute na agad ang mga invitations bago pa man siya magpakita sa amin.

Habang busy si Jade sa pag-aayos ng negosyo nila ng bestfriend na si Bianca ay busy naman kami nina Batchi at Wila sa GE Services. Nagdagdag na rin kami ng ilang tauhan dahil habang tumatagal ay dumarami ang mga clients namin. Kasabay rin ng pagtaas ng sales profit ng RK dahil sa mga idinagdag namin ni Erwan na pagkain sa menu. Tapos meron pa akong share sa Galura's Catering. Binili ko kay Arci ang share niyang 10% bago ito maka-flight papuntang US. Kaya ang 15% na share ko ay naging 25% na. Nagpapasalamat ako sa panginoon dahil sobra-sobrang blessing ang ipinagkakaloob niya sa akin.

Napapangiti na lang ako sa tuwing naiisip ko kung gaano na kalaki ang laman ng savings account ko. Sa wakas ay maisasakatuparan ko na ang mga pinaplano ko para kay Jade. "Tsong mamaya ka na nga mag-imagine kay Jade. Reviewhin mo muna ito para mapirmahan mo na rin."

Napasimangot ako nang tambakan ako nito ng maraming papers. "Tsong authorize ka namang pumirma. Bakit ipinasa mo pa sa akin lahat ito?"

"Ma'am Althea, kayo po ang final na nag-dedecide. Mamaya pirmahan ko lahat yan tapos ikalugi pa ng kompanya."

"Batchi may tiwala naman ako sayo. Magkakasama nating pinaghirapang itayo itong GE. Malamang na hindi mo ito hahayaang malugi."

"Hindi naman makikilala ang GE kundi rin dahil sa mataba mong utak. Diyan nga ako bilib na bilib sayo bestfriend. Iba kang dumiskarte. Yong tipong siguradong sigurado ka palagi sa mga desisyon na ginagawa mo."

Naiiling na napatawa ako sa sinabi niya. "Kapag masaya ka at gusto mo ang mga ginagawa mo ay walang imposible. Yan ang dapat mong tandaan Batchi. Anyway, I have something to tell you nga pala." Seryoso kong sabi rito pagkaraan.

"Alam ko na yan Tsong e." Sabay tawa nito. "Itutuloy mo na ang pagpopropose kay Jade, tama?"

"Yes but not that. Gusto kong bumili ng house and lot na pang surpresa kay Jade. Magpopropose na ako sa kanya at kapag naikasal na kami gusto ko ay doon na kami titira."

"Hmm.. Magandang idea yan Tsong. Tama lang na tumira kayo sa malaki at mas maayos na bahay. Lalo na kung nagbabalak kayo na magkaroon pa ng isa pang anak."

Muntik na akong mabilaukan sa sarili kong laway dahil sa kanyang sinabi. "Alam mo Batchi kung may kakayahan nga lang sana akong buntisin si Jade. Gusto ko magkaroon ng maraming anak sa kanya."

"Sa panahon ngayon Tsong. Marami nang nagagawa ang pera. Have you heard the artificial insemination?"

Kunot ang noong napatingin akong muli sa kanya. "Batchi ayoko naman ng ganon na hindi ko kadugo at hindi ko rin magiging kamukha ang magiging anak namin."

"Pwede namang egg cell mo ang gamitin pero si Jade ang magbubuntis."

Mukhang interesting itong sinasabi ni Batchi. "Do you think it's possible?"

"Oo Tsong, nasearch ko sa internet. Ang kailangan mo lang munang alamin ay kung papayag ba si Jade."

Napaisip akong sandali. Paano nga kung hindi pumayag si Jade gayong hindi pa naman namin napag-uusapan ang tungkol doon?

Jade's POV

Pag-uwi ko ng 8pm sa condo ay wala pa si Althea. Marahil pauwi na rin ito, siguro ay natraffic lang sa daan. Pumasok ako sa kwarto ni BJ para silipin itong sandali. Ngunit mahimbing na itong natutulog. Nilapitan ko siya at hinalikan sa noo. "Goodnight baby boy. I love you.." mahinang sambit ko. Saka ako muling lumabas ng kwarto. Pumasok na ako sa kwarto namin para makapagshower sandali. Medyo nanlalagkit na rin kasi ako.

CRUSHY  BABEWhere stories live. Discover now