Chapter Nineteen

3K 172 12
                                    

Althea's POV

Kinakabahan ako sa tinging ipinukol sa akin ni Jade. Kahit alam ko sa sarili ko na wala akong ginawang masama ay nakaramdam pa rin ako ng takot.

"Uhm.. Althea eto na ang paper bag mo. Mauuna na ako sa inyo ni Jade." 

"Salamat po Chef Kathleen."

"Walang anuman Althea." Sabay ngiti nito sa akin. "See you Jade." Ngunit tinanguan lang ito ni Jade. 

Nang makalayo na ang magandang sexy na Pastry Chef ay walang imik na pumasok si Jade sa loob ng toilet. "Babe!" Sinundan ko siya sa loob.

Tiningnan nito ang paligid kung may tao roon at inisa-isa pati cubicle. "Kayong dalawa lang dito, Althea?" Tanong nito sa galit na tono.

"Babe listen to me first, okay? Hindi ako nagtataksil sayo."

"Althea may toilet rin sa groundfloor, 1st floor at 2nd floor. Bakit dito mo pa naisipang gumamit ng toilet?"

"Babe hindi ko naman alam na susundan ako rito ni Chef Kathleen."

Ngunit tila lalo itong nag-apoy sa galit. "Hindi mo ba talaga alam o sinadya mo para sundan ka niya? Althea ginagawa mo akong tanga!"

May mga nagdatingang estudyante kaya hindi ko naituloy ang gusto kong sabihin. Namalayan ko na lang na nagmartsa na si Jade palabas ng toilet.

Sinundan ko siya hanggang sa makarating kami sa backyard ng school kung saan walang makakarinig sa pag-uusapan namin.

"Babe please.. Kababati lang natin. Huwag na nating palakihin pa ito." Sa isang iglap ay parang guguho na naman ang mundo ko. "Maniwala ka sa akin, hindi kita pinagtataksilan."

"I need some space Althea.." 

Sa sinabing iyon ni Jade ay daig ko pa ang binuhusan ng nagyeyelong tubig. Kusang naglaglagan na naman ang mga luha ko. "No Jade no! Hindi ako papayag."

"Althea hindi ako nakikipaghiwalay sayo. Space lang ang hinihiling ko." Nagpahid muna ito ng luha saka muling  humarap sa akin. "Dahil patuloy na mangyayari ito kung palagi na lang kitang patatawarin."

"Jade ilang ulit ko bang sasabihin sayo na hindi kita pinagtataksilan? Halos sayo na nga lang umiikot ang mundo ko e." Napahikbi na ako ng tuluyan. Ang bigat-bigat sa dibdib na parang pinipiga ang puso ko sa sobrang sakit. "Bakit hindi mo makita Jade na sobrang mahal kita?"

"Althea pagod na ako.. Pagod na pagod na ako sa kaseselos. Let's not talk for a while and give each other space."

"Jade mahal mo ba talaga ako? Kasi ako mahal na mahal kita." Sinubukan kong hawakan ang magkabila niyang balikat pero iniiwas niya sa akin. "Kung yan ang desisyon mo wala akong magagawa. Dahil sa tingin ko, kahit anong paliwanag ang gawin ko ay hindi mo kayang paniwalaan."

"Althea inuulit ko, hindi ako nakikipaghiwalay sayo. Space lang ang kailangan ko."

"Jade!? Space, cool off at break up pareho lang yon. Hindi tayo mag-uusap at magpapansinan!" Hindi ko na napigilan ang sarili ko na magtaas ng boses. Napabulalas ako ng iyak dahil sa bigat na nararamdaman ko sa dibdib ko. "Bakit parang ang dali-dali lang para sayo yon?"

Nag-iwas ito ng tingin sa akin habang panay ang pagpahid ng mga luha. "Well, parang hindi ko na rin naman mababago pa ang desisyon mo Jade. Mauuna na ako sayo. Ingatan mo palagi ang sarili mo ha? Bumalik ka na lang ulit sa akin kapag.. kapag kaya mo na akong paniwalaan." Nanlalabo na ang aking paningin sa kaiiyak. Nagpakawala ako ng isang malalim na buntong hininga bago ulit nakapagsalita. "Hihintayin kita Jade.. maghihintay ako sayo. Hihintayin ko ang pagbabalik mo."

CRUSHY  BABETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon