Chapter 27

2.8K 160 12
                                    

Jade's POV

Iyak at tawang sinalubong ako ni Mommy ng yakap pagkakita sa akin kasunod sina Tito Red at ang mga naggagwapuhan kong mga kapatid na sina Lester at Kennette.

"I miss you so much Mom!" Sabay halik ko sa pisnge nito.

"I miss you too baby girl." Tugon naman nito na humalik rin sa pisnge ko. 

"Tito Red!" Masayang yumakap rin ako sa step father ko.

"Jade! Finally you're here." Sagot naman nito. "Tingnan mo ang mga kapatid mo oh! Binata na sila."

Napatawa ako nang mapatingin ako sa dalawa. "Namiss nyo ba ang Ate Jade nyo?"

Sabay na yumakap ang dalawa sa akin. "Yes of course!" Masayang hiyaw ni Bunso. "Oo naman noh!" Sabi naman ni Kennette na halos magkasingtangkad na kami.

Itinulak na ni Tito Red ang pushcart na naglalaman ng mga bagahe ko katulong si Bunso. "Tara na guys! Kumain muna tayo bago umuwi." Sabi pa nito. 

"Oo nga po Tito medyo gutom na nga ako. Hindi ko nagustuhan ang food sa airplane e." Umakbay ako kay Mommy at sabay-sabay kaming naglakad.

+++++

Pagpasok ko sa loob ng kwarto ko ay nanumbalik ang aking itinatagong lungkot. Parang kelan lang ay napakasaya namin ni Althea. Palagi kaming natutulog na magkatabi at sabay na kumakain. Naiiyak na naman ako sa tuwing naaalala ko siya. Ang hirap-hirap niyang kalimutan. Lalo na ngayon na nasa Pilipinas ako na sobrang dami naming naiwan na alaala.

Pero bakit nga ba ako napapayag na iwan siya gayong mahal na mahal ko naman siya?

***Flash back***

Isang araw bago ako makipag-break kay Althea, nadatnan ko sina Mommy at Nanay Cristy sa loob ng aking Condo. Abot-abot ang aking kaba dahil alam ko kung anong pakay nila sa akin.

"Jade anak please para sa ikabubuti nyo ni Althea ito."

"Mommy pati ba naman ikaw tututol sa amin?" Hindi ito nakapagsalita na tila biglang naawa sa akin. Alam nito kung gaano ko kamahal si Althea.

"Jade ako ang nakiusap sa Mommy mo." Biglang sabat ng Nanay ni Althea. "Ngayon pa lang putulin nyo na ang relasyon nyo. Mga bata pa kayo ni Althea. Marami pa kayong pagkakataon para baguhin ang mga sarili nyo."

Nadurog ang puso ko sa aking narinig mula sa ina ng taong pinakamamahal ko. Hindi niya talaga kami kayang tanggapin kung ganon. "I'm sorry po Nay pero mahal na mahal ko po ang anak nyo. Hindi ko po siya kayang saktan."

"Jade iha.. kung talagang mahal mo ang anak ko ay hahayaan mo siyang mamuhay ng normal. Hindi magandang tingnan sa mga mata ng diyos kung pareho kayong babaeng magsasama. Paano kayo bubuo ng sariling pamilya?"

"Hindi po ba sapat na nagmamahalan kaming dalawa para matawag na isang pamilya? Nay, masaya po kami ng anak nyo at handa po ako sa mga salitang ipupukol sa amin ng ibang tao."

"Pero kasalanan sa mga mata ng diyos ang pagmamahalan nyo." Muling giit nito.

"Hindi po ba mas kasalanan sa diyos ang manghusga? Nay, kaya ko pong panindigan ang anak nyo. Hayaan nyo po kaming maging masaya."

"Anong kailangan kong gawin para mapagbigyan mo ako sa kahilingan ko Jade?" Umiiyak na makaawa nito sa akin. "Gusto mo bang lumuhod pa ako sayo? Sige gagawin ko." Sabay luhod nito sa harap ko. 

"Oh no! Nay, huwag nyo pong gawin yan." Pilit ko siyang pinatatayo pero ayaw nyang tumayo.

"Hindi ako tatayo rito hangga't hindi mo pinagbibigyan ang kahilingan ko. Please ibalik mo ang dating Althea namin."

CRUSHY  BABEWo Geschichten leben. Entdecke jetzt