Chapter 29

2.9K 132 5
                                    

Althea's POV

Kay bilis ng araw. Katatapos ko lang makipag-usap sa isang couple na malapit nang ikasal. Nakaready na lahat ng kakailanganin ngunit may ilang pahabol pa silang request na isiningit ko sa planner. They requested Arci to perform on their wedding reception.

"Kape ka muna Tsong." Alok sa akin ni Batchi sabay patong nito ng isang tasa ng kape sa harap ng table ko.

"Salamat Batchi.. By the way, next week na yong wedding nina Ms. Elisa. Yong mga kailangang ifollow up dapat asikasuhin nyo na ni Wila. Ayokong pumalpak tayo rito kasi malaking client ito." Paalala ko sa kanila saka ako humigop ng kape.

"Noted po Boss!" Pang-asar na sagot sa akin ni Batchi.

"Boss talaga ako pagdating sa trabaho. Pero sa labas pantay-pantay tayo. Is that clear?"

"We know right?" Irap nito sa akin na ikinatawa ko lang.

"Hoy! Kayong dalawa tawagan nyo na si Arci para sa kasal ng intsik na sinasabi nyong malaking client." Sabat naman ni Wila na nakapamewang sa harap namin. "Alam nyo namang busy palagi ang babaeng yon."

"Tsong tawagan mo na si Arci. Isang sabi mo lang don papayag na yon."

"Ulol! Nagtatampo ata sa akin yon ngayon. Ikaw na lang Batchi ang tumawag."

"Hala! May tampuhan nang nagaganap. Meron ba kaming hindi nalalaman ni Wila ha Tsong? Baka gusto mong ishare. Ayiiehh!!!"

"Magtigil ka Batchi!" Saway ko rito sabay hampas sa braso nito. Ngunit hindi pa rin ito tumitigil sa katutukso sa akin.

"Thea selos ako.." Biglang sambit ng nakapout na si Wila na ikinagulat naming pareho ni Batchi.

"Langya! Wila ikaw ba yan? Kelan ka pa nagkaroon ng pagnanasa sa kaibigan natin? Susmaryosep!" Naihampas nito ang palad sa table. "Magkakaibigan tayo rito dapat walang talo-talo."

Nagtakip ito ng mukha sa sobrang hiya. Never kong naimagine na magkakagusto ito sa akin.

"My God Wila!" Naibulalas kong bigla nang mapansing seryoso ito. "Halos kapatid na ang turing ko sa inyo ni Batchi. Huwag kang ganyan." Natatawa kong sabi rito.

"Hindi ko naman sinasadya e.. Naramdaman ko na lang bigla." Parang batang maktol nito na naiiyak na.

Nilapitan ko siya para icomfort. "Halika nga ditong babae ka." Sabay akbay ko rito. "Wila mahal kita bilang kaibigan. Ayokong masira yon dahil lang diyan sa nararamdaman mo para sa akin na alam mo namang hindi ko kayang ibalik sayo. You understand?"

Parang bata pa rin na tumango-tango ito. "Sorry.. Sinubukan ko namang pigilan e."

"Ang tanong, kelan pa?" Muling basag ni Batchi sa itsurang naiinis pero natatawa rin at the same time.

"Hindi ko alam Batchi. Basta naramdaman ko na lang na nagseselos ako kay Arci sa tuwing iniloloko mo siya kay Thea." Anitong tuluyan nang naglaglagan ang mga luha.

Naiiling na napatawa si Batchi. "Ibang klase ka Tsong! Wala e.. Pogi ka talaga. Kahit mga straight nabebend mo." Sabay tawa na naman nito.

"Siraulo! Kita mo na ngang umiiyak na itong kaibigan natin tinatawanan mo pa." Saway ko rito at muli kong binalingan si Wila. "Okay lang yan Wila. Hindi naman ako nagagalit sayo. Ayoko lang na umasa ka kasi kaibigan kita at ayaw kitang masaktan." Mas lalo itong naiyak sa sinabi ko kaya niyakap ko na lang siya. "Tahan na Wila, ano ba!"

"Teka jowa mo na ba yang si Arci?" Napatanga ako sa naging tanong nito. Ang lakas tuloy ng tawa nitong si Batchi sa isang tabi.

"Hindi ko jowa si Arci, okay? Nagtampo siguro yon sa kin kasi tinanggihan kong pumunta sa gig nya three weeks ago."

CRUSHY  BABETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon