Chapter Nine

4.2K 181 3
                                    

Althea's POV


Giliw na giliw si Nanay kay Jade. Lalo nang makita nitong suot-suot ang pink dress na hiniram sa akin na siyang bumili. 

Panay ang puri dito ni Nanay at napakarami ring itinatanong sa kung anong buhay meron ang girlfriend ko. Matamang nakikinig lang ako sa conversation nilang dalawa.

"Kawawa ka naman iha at mag-isa ka lang pala sa condo mo."

"Okay lang naman Nay. Nasanay na rin po ako."

"Basta pasyal ka lang palagi dito ha? Huwag kang mahihiya sa amin ni Albert."

 Napangiti naman si Jade at pasimpleng kumindat sa akin. "Sige po Nay. Salamat po."

"Natutuwa kaming may kaibigang katulad mo ang anak namin. Hindi yong palagi na lang si Ben ang nakikita kong kasama niya."

"Nay?!" Saway ko rito na pinanlakihan ko ng mga mata.

"Anak, gusto kong magconcentrate ka muna sa pag-aaral. Ayokong nagpapaligaw ka ng hindi pa nakakatapos." Muntik nang masamid si Jade habang umiinom ng kape. "Ayos ka lang iha? Ito ang tubig oh.." Pansin ko sa mga mata ni Jade ang konting guilt dahil sa narinig mula kay Nanay.

"O-okay lang po ako Nay!" Kinuha nito ang tubig na hawak ni Nanay at ininom. "Thanks po."

"Walang anuman Jade. Kain ka pa ha?"

"Busog na po ako Nay. Thanks po ulit."

"Nay!" Singit ko sa dalawa. "Bestfriend ko lang si Ben. Hindi ko siya manliligaw." 

"Oh siya.. Mabuti naman kung ganon. Sige na magmadali na kayo't baka mahuli kayo sa klase nitong si Jade."

"Sige po Nay! Mauuna na kami ni Jade." Sabay mano ko.  "Si Tatay nga po pala?"

"Maagang umalis, pabalik na siguro yon ngayon."

"Mauuna na po kami. Marami pong salamat sa breakfast Nay." Sabi naman ni Jade na nagmano rin.

"Kaawan kayo ng diyos mga anak. Jade mag-iingat sa pagda-drive ha?"

"Opo Nay! Salamat po." Tugon naman ng Babe ko.



Jade's POV 


Hindi ko na nakakasabay ang bestfriend kong si Sally sa pagpasok at sa pag-uwi. Sa school na lang kami nagkikita nito. Ito na rin kasi ang nagsabing magpapahatid-sundo na lang ulit siya sa driver ng Mommy niya para mas magka-time kami ni Althea. Ito na raw ang bahalang magdahilan sa inang si Tita Sandra kung sakaling magtanong ito.

"Babe may event mamaya ang Galura's Catering. Baka wala tayong time na magkita after the class. Susunduin ako ni Kuya Alcris mamayang alas tres e." 

Nakatutok ang tingin ko sa daan habang nagmamaneho. "Narinig ko nga love kagabi. It's okay love. I understand." Speaking of events. Naalala kong debut party pala ni Janelle mamaya at kasali ako. Nagdadalawang isip kasi akong pumunta dahil pinsan yon ni Peejay. Pihadong magko-cross na naman ang landas namin ng lalaking yon.

Ngunit si Janelle ay naging super close sa akin. Siguradong magtatampo yon kung sakaling hindi ako makapunta. "Love baka pumunta rin ako sa debut party ng kaibigan ko mamayang gabi." Paalam ko rito. "Isinali ako sa 18 candles e.."

"Okay Babe.. Pero huwag kang makikipagsayaw kung kani-kanino ha?"

Napahagikhik ako ng tawa. "Ang possessive naman ng girlfriend ko. Huwag kang mag-alala Crushy. Sayo lang tong puso ko. Walang makakaagaw na iba. Trust me!" Sabay kindat ko pa.

CRUSHY  BABEOnde histórias criam vida. Descubra agora