Chapter 23

3.4K 147 2
                                    

Althea's POV

Matapos maganap ang mainit naming halikan ni Jade ay tumayo ito sa harap ng salamin at ipinusod ang buhok pataas. Hinayaan ko lang siya at pinagmasdan sa kanyang ginagawa. "Babe.." Malambing kong tawag sa kanya na ikinalingon nito at ngumiti ng pilya sa akin. Pagkatapos ay muling humarap sa salamin.

"Nabitin ka ba sa kiss, love?" Nakangisi nitong biro. "Wait lang tapusin ko lang ito. Ang init kasi e.." Pinagmasdan nitong mabuti ang itsura sa salamin saka muling lumapit sa gawi ko at naupo sa aking tabi. Pagkaraan ay napatitig siya sa mukha ko na waring gandang-ganda sa akin. "Hmm.. Parang ayoko na lumabas ng kwartong ito. Mas gusto ko na lang magkulong rito buong maghapon kasama ka."

Kinikilig na napabungisngis ako ng tawa. "Alam ko namang hindi pwede kahit gustuhin natin. Tingnan mo, tapos hiwalay pa tayo ng kama rito."

"Isang kama lang ang gagamitin natin. Kasya naman tayo kahit single bed lang iyan."

Nakatitig pa rin siya sa akin na para bang sinasabi ng mga mata niya na akin ka lang. Nagwawala tuloy ang puso ko sa sobrang lakas ng tibok nito. Feeling ko tuloy ay para akong ice cream na unti-unting nalulusaw sa gitna ng araw dahil sa mga titig niya. "I love you.." Wala sa loob na nasambit ko habang nakatitig rin sa kanya. Ngunit isang mainit na halik ang itinugon nito sa akin.

"I love you too.. Sobra!"

Muli akong napangisi. "I know right?" Nanggigil na pinisil nito ang ilong ko ng mahina at nagkatitigan na naman kami pagkatapos. "Babe, please listen to me okay?" Huminga muna ako ng malalim na hindi inaalis ang mga tingin sa kanya. "Pwede bang sa paglabas natin ng kwartong ito... dumistansya muna tayo sa isa't-isa? I mean no extra clingy para hindi nila tayo mahalata."

Napasimangot ito at napakunot ang noo. "But why?"

I took a deep breath and held her both hands. "That's the only thing we can do to protect each other towards the other people who's against with this kind of relationship that we had." Nakasimangot pa rin ito na tila hindi pa rin kumbinsido sa aking sinabi. "Babe, mahal kita. Kailangan muna natin makuntento sa kung anong meron tayo ngayon. Dahil kahit gustuhin ko mang ipagsigawan sa buong mundo kung gaano kita kamahal ay hindi pa pwede."

Nagbaba ito ng tingin at tumango. "Naiintindihan ko Love at tama ka." Muli itong tumunghay sa akin at napangiti na. "Let's pretend that we are just best friends."

Hinaplos ko ang makinis niyang pisnge at pinagmasdang maige ang mukha niya. "Yaan mo Babe.. Merong tamang panahon para maharap natin sila ng walang takot at pag-aalinlangan. Kaya nga magsisikap ako para sayo at para hindi mo rin ako magawang ikahiya."

Muli na naman itong na-beast mode dahil sa aking nasabi. "Althea bakit mo ba iniisip na ikahihiya kita? Kung hindi nga lang kita iniisip ay baka ipinakilala na kita sa kanila bilang girlfriend ko and wala akong pakialam sa mga sasabihin nila."

"Babe.." Malambing kong tawag sa kanya para pakalmahin siya. "Of course we have to be careful. Ayokong dumating ang time na paghiwalayin nila tayo. Kung mangyayari man iyon dapat atleast kaya na natin panindigan ang isa't-isa. Naiintindihan mo naman di ba?"

Nagpakawala ito ng isang malalim na buntong hininga. Saka tumango at pilit na ngumiti. "No worries, my love. I got your point."

Niyakap ko siya ng mahigpit at hinalikan ng mabilis sa labi. "Thank you so much, Babe. I love you."

"I love you more my crushy love." Kinikilig na sagot nito sa akin.

"Pinapayagan kitang gawin ang kinasanayan mong gawin sa tuwing kasama si Aljur. Pero ito ang tatandaan mo Howell. Hindi man nakatingin ang mga mata ko sayo ay asahan mong sinusubaybay pa rin kita. Don't you dare na pagselosin ako kung hindi.."

CRUSHY  BABEKde žijí příběhy. Začni objevovat