Chapter 36

3.4K 151 5
                                    

Althea's POV

Dali-dali akong nagpalit ng damit para sundan si Jade. Hindi ako makakapayag na mawala na naman siya sa akin. Kaya gagawin ko ang lahat to win her back. Saktong naabutan kong papaalis na ang sasakyan nila nang makababa ako ng building. Agad na sumakay ako sa kotse ko at sinundan ko sila.

Tumigil ang sasakyan ni Peejay sa tapat ng isang Five Star Hotel at inalalayan nitong bumaba si Jade. Magkasama silang nagtungo sa front desk upang mag-check in. Nakaramdam ako ng matinding selos ngunit wala naman akong magawa kundi ang panoorin na lang sila mula sa di kalayuan.

Gusto ko sana silang puntahan ngunit paano? Sa tindi ng galit sa akin ni Jade ay baka mapahiya lang ako.

Isinubsob ko ang mukha ko sa manibela at doo'y tahimik akong umiyak ng umiyak. Mahal na mahal ko si Jade. Ayokong mawala ulit siya sa akin.

Makalipas ang halos labinlimang minuto ay nakita kong palabas na ng hotel si Peejay. Mag-isa na lang ito ngayon. Marahil nagpahatid lang sa kanya si Jade at umalis na rin agad ito. Dali-dali akong bumaba ng sasakyan para makausap ko siya.

"Peejay!" Medyo nagulat ito pagkakita sa akin.

"Hey! Althea.. Kamusta?"

"I need to talk to Jade. Can you please help me?"

Natigilan muna itong sandali na tila sinusukat ang aking sensiridad. Napatingin ito sa suot na relo saka muling bumaling sa akin. "Well gustuhin ko mang tulungan ka Althea. But it's getting late na. Meron akong early commitment na hindi ko pwedeng ipagpaliban. Kung gusto mo puntahan mo na lang siya sa room 1208."

"Okay. It's better that way. Salamat Peejay!"

"No problem Althea.. Alam ko kung gaano ka kamahal ni Jade. Kaya huwag mong sayangin ang chance na magkabalikan kayo. Kasi kapag hinayaan mo siyang mawala sayo. Nandito ako para saluhin siya."

"I wont let it happen Peejay. Mahal na mahal ko si Jade."

Natawa ito sa aking sinabi. "That's great Althea! Ano pang hinihintay mo? Puntahan mo na siya."

Bahagya akong napangiti. Kahit papaano ay nadagdagan ako ng lakas ng loob para harapin si Jade. "Maraming salamat ulit Peejay."

Ngumiti siya sa akin at tumango. "Goodluck Althea! Win her back."

"I'll do my very best Peejay to win her back."

Ipinark ko ng maayos ang kotse ko at agad na nagtungo na ako sa loob ng Hotel.

Panay ang usal ko ng panalangin habang nakasakay ako sa elevator pataas. Sobrang kinakabahan ako sa muli naming paghaharap ni Jade. Pano kung hindi na talaga niya ako mapatawad? Nagpakawala ako ng sunod-sunod na buntong hininga.

Makailang sandali ay bumukas na ang elevator sa 12 floor. Kinakabahan pa rin ako ngunit wala na itong atrasan. Bahala na ang panginoon sa akin.

Inayos ko muna ang aking sarili saka ako nagsimulang magdoorbell. Napapitlag ako nang biglang bumukas ang pinto at bumungad sa akin ang napakaganda niyang mukha bagaman nanlalaki na rin ang eyebags sa kaiiyak. "Babe.." Mahinang sambit ko sa paos na tinig. Aktong isasara na ulit nito ang pinto nang pigilan ko iyon at mabilis na nakapasok ako sa loob.

"Anong ginagawa mo dito Althea? Ilang beses ko bang sasabihin sayo na hindi ko kailangan ng paliwanag mo! Bukas na bukas rin ay babalik na ako ng London at hinding-hindi mo na ako makikita pa."

"Ganon na lang yon Jade? Kay tagal kong naghintay sayo na kahit text man lang o tawag wala akong natanggap mula sayo. Tapos kung kelan nandito ka na mawawala ka na naman? Utang na loob naman Jade! Pakinggan mo naman muna sana ako." Garalgal na ang boses ko dahil sa kakaiyak.

CRUSHY  BABEDonde viven las historias. Descúbrelo ahora