Chapter Four

4.1K 189 6
                                    

Jade's POV

Naglalakad kami ni Sally sa may hall way patungo sa classroom namin nang may cute na lalaking humarang sa aming daraanan. Sabay kaming napatigil ng bestfriend ko sa paghakbang.

"H-hi.. Jade!" Hiyang bati ng lalaki sa akin. "For you nga pala." Sabay abot sa akin ng isang long stem flower na red rose. Napatingin muna ako sa bestfriend ko na nagkibit lang ng balikat na parang sinasabing. "Malay ko!"

Mukha naman siyang mabait kaya tinanggap ko. "Thank you.. Teka kilala mo ako?"

Ngumiti ito ng matamis sa akin. "Sino bang hindi makakakilala sayo? Agaw pansin ang kagandahan mo dito sa buong campus. By the way I'm David Chua nga pala." Sabay abot ng kamay sa akin para makipagkamay. Tinanggap ko iyon at ginantihan ito ng ngiti.

"Nice to meet you David. Si Sally bestfriend ko." Pakilala ko sa babaeng katabi ko.

"Oh! Hi.. Sally." Nakipagkamay rin ito sa kaibigan ko.

"Hello.. David!" Tugon naman ni Sally.

"So hatid ko na kayo sa classroom nyo girls?"

"Uhm.. David si Jadey na lang ang ihatid mo." Pasimple kong siniko ang kaibigan ko ngunit hindi ako pinansin ng luka-luka. "Dadaanan ko lang muna yong boyfriend kong si Paul sa engineering department." Dagdag pa nito sa ngiting nakakaloko.

"Oh.. Sure! Tara Jade?" Tumango na lang ako bilang tugon.

"Magkita na lang tayo sa classroom Jadey. Bye!" Hindi na siya inintay nitong makasagot at umalis na.

Kahit kailan talaga ay pahamak itong bestfriend kong ito. Nagsimula na kaming maglakad ni David. Pinagtitinginan kami ng mga nakakasalubong namin dahil na rin siguro sa hawak-hawak kong bulaklak.

"What is your vacant time Jade?"

"Hmm.. Bakit mo natanong?"

"Wala lang, ayain sana kita magmeryenda."

"Naku! Baka may gawin kami sa vacant time. Next time na lang siguro David."

"E sa lunch, pwede ka bang makasabay?"

Pumasok agad sa isip ko ay si Althea. Namimiss ko ang babaeng yon. Hindi buo ang araw ko na hindi ko siya nakikita.

"Ano kasi David... Sigurado ka ba?" Hindi ko alam kung anong idadahilan ko. Ayoko sana sumama sa kanya. "Mamaya may manabunot sa akin. Ayoko ng ganong eksena."

Napatawa naman ito ng bahagya. "I don't think so. Wala naman akong girlfriend e. Break na kami three months ago pa. Ano okay lang ba sayo? Meron akong alam na restaurant diyan sa labas. Gusto kong matikman mo yong mga food nila na for sure magugustuhan mo."

Wala naman sigurong masama kung sasama ako sa kanya. Atleast madagdagan man lang ang mga kaibigan ko sa campus. "Sige.. Ikaw ang bahala."

"Talaga Jade?" Tuwang-tuwa nitong tanong. "Yes!" Bulalas nito sa hangin. "So uhm.. What time ka magla-lunch?"

"My morning class will be finish by exact 12noon."

"Okay puntahan kita rito before 12noon."

Nasa tapat na kami ng classroom nang may isa pang lalaking lumapit sa amin ni David.

"Brad!" Tawag nito kay David.

"Oy.. Brad! Nga pala si Jade." Pakilala nito.

"Hi Jade.." Kumaway lang ito sa kanya.

"Jade kaibigan ko si Ben."

"Hello.. Ben!" Kaway ko rin sa kaibigan ni David. "Pasok na ko David sa loob."

CRUSHY  BABEWhere stories live. Discover now