Chapter 37

3.5K 139 4
                                    

Althea's POV

Katatapos lang ng meeting ko with our new client sa GE Services. Mag-isa lang akong nakipagkita dahil busy sina Batchi and Wila sa isang event. Paglabas ko ng restaurant ay may babaeng humarang sa daraanan ko. "Abby?"

"T-thea.." She stuttered. "A-alam kong galit ka sa kin dahil sa nagawa ko sa bestfriend mo. Pero pwede ka bang makausap sandali?"

Napabuntong hininga ako saka ako tumango. Dinala ko siya sa pinakamalapit na coffee shop. Pagkaorder namin ay naupo na kami sa isang table na nasa sulok. "So kamusta ka na Abby? Long time no see."

Napatungo ito na tila hiyang-hiya sa akin. "I'm sorry kung nasaktan ko si Batchi, Thea.." Iyak nitong hinge ng paumanhin sa akin.

"Abby nasaktan mo rin kami. Alam mo ba yon? Kaibigan ka kasi namin." Mas lalo itong naiyak sa aking sinabi. "Shh.. Tahan na Abby. Siguro ang mas dapat mong kausapin ay ang bestfriend ko. Siya ang higit mong nasaktan."

"Matagal ko nang gustong gawin yon Thea. Kaso wala akong lakas ng loob para harapin siya. Hindi ko alam kung may mukha pa akong maihaharap sa kanya."

"Kelan ka pa nakabalik?"

"Six months ago pa Thea. Aaminin ko sayo na mahal ko pa rin si Batchi hanggang ngayon."

Hindi ko nagustuhan ang kanyang sinabi. Kaya't nag-akyatan ang mga dugo ko sa mukha. "Anong sinabi mo? Pakiulit nga.." Naiinis ako rito para sa bestfriend ko. Hindi siya nakasagot. Sa halip ay umiyak na lang ulit siya. "Nag-asawa ka na ng iba sa Dubai di ba? Ano ba talagang pakay mo kay Batchi ha Abby?"

"Thea sayo ako unang lumapit kasi alam kong ikaw ang higit na makakatulong sa akin para makausap ko si Batchi. Ang totoo nyan ay niloko ako ng lalaking pinagkatiwalaan ko. Nabuntis niya ako at pinakasalan kahit ang totoo ay kasal rin siya sa ibang babae dito sa Pilipinas."

"Ah ganon? Niloko ka kaya gusto mong bumalik sa bestfriend ko." Napatawa ako ng mapakla. "Bullshit! Hindi mo alam kung gaano mo nasaktan si Batchi."

"Iniwan ka rin naman ni Jade, di ba? Bakit siya natanggap mo pa rin?"

"Abby, hindi ako iniwan ni Jade para ipagpalit sa iba. Si nanay ang may kasalanan kung bakit niya ako iniwan. E ikaw? Ipinagpalit mo si Batchi. Binalewala mo lahat ang mga pinagsamahan ninyo at pati na rin ang pagmamahal inilaan niya para sayo."

"A-anong kailangan kong gawin para mapatawad ninyo ako?" Muling iyak nito.

Nakaramdam ako ng awa para sa kanya. Kahit papaano ay kaibigan pa rin namin siya. Marahil natukso lang ito dahil magkalayo sila ng bestfriend ko. "Susubukan kong tulungan ka para makausap mo si Batchi. Kung anumang maging desisyon niya ay irerespeto ko yon."

Nagpahid ito ng kanyang mga luha. "Salamat Thea.. Kung hindi na ako kayang tanggapin ni Batchi ay tatanggapin ko na lang ng maluwag sa dibdib ko."

"So kung nabuntis ka, nasan na ang baby mo?"

"Inihabilin ko muna sa Tita ko. Two years old na siya turning three next month. Halos magkaedad lang sila ng anak nyo ni Ben."

"Talaga? Lalaki rin ba?"

"Babae siya Thea. Marinel ang ipinangalan sa kanya ng tatay niyang si Dexter."

Napatango-tango ako. "Hiwalay na ba kayo ng lalaking yon, ngayon?"

Tumingin muna ito sa malayo saka muling bumaling sa akin. "Simula nang malaman ko ang sekreto niya ay hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa. Nakipaghiwalay agad ako sa kanya."

"Kung.. kung sakaling muli kang tanggapin ni Batchi. Maipapangako mo ba sa akin na hinding-hindi mo na ulit siya iiwan?"

"Hinding-hindi na Thea.. Bigyan lang ako ng isa pang pagkakataon ni Batchi ay hinding-hindi ko na ulit siya sasaktan. Mahal na mahal ko ang bestfriend mo. Sana matanggap pa niya ako."

CRUSHY  BABEWhere stories live. Discover now