Chapter 22

3.3K 143 6
                                    

Althea's POV


"Goodmorning po.." Nakangiti kong bati sa mag-asawa.

"Goodmorning din sayo Althea." Halos panabay na tugon ng mag-asawa sa akin. "Halika maupo ka." Aya ni Tita Clara sa akin.

Ipinaghila ako ni Lester ng upuan na ikinatawa ng step father ni Jade. "Dito ka maupo Ate Ganda." Sabi pa nito.

"Thank you Lester! Ang sweet mo naman."

"Naku! Binata na ang bunso natin Darling." Bulalas na sambit ng ama nito. "Marunong na magpacute sa girl oh.."

"Gentleman lang talaga yang bunso natin Darling. Ano ka ba naman!" Saway na tugon rito ng asawa.

"Wow! You never did that to me Lester. I'm so jealous." Sabi naman ni Jade pero sa akin nakatutok ang kanyang tingin. Iniiwas ko ang tingin ko sa kanya para mapigilan ang ngiting gustong kumawala sa aking mga labi.

"No worries, Ate Jade! I'll do that for you." Sabi naman ni Kennette na nasa tabi nito. Ipinaghila rin nito ng upuan ang kanyang Ate.

"Well, thanks anyway." Tugon nito na umirap sa akin nang muling magkasalubong ang aming mga mata. Gosh! God knows how much I really love this woman.

"Dad, si bunso may crush kay Ate Althea." Sumbong ni Kennette sa ama. Pinamulahan tuloy ako ng pisnge sa sobrang hiya nang mapadako ang tingin ng mag-asawa sa akin.

"Totoo ba yon bunso?" Natatawa nitong tanong sa bunsong anak.

"That's so awkward question, Dad!? Please stop teasing me." Mas lalo lang napatawa ang Daddy nito at ang kapatid na si Kennette. "Ate Ganda please don't mind them. They just making me asar." Baling nito sa akin.

"Yeah! I know baby. You're too young for that." Nakangiti kong sagot rito.

"But it's not bad for me to had a crush on you, right? Because you're so pretty." Sabi ulit nito. Hindi na ako nakapagsalita dahil hindi ko rin alam ang isasagot ko. Sa halip ay natatawang napahimas na lang ako sa batok ko. Ngayon alam ko na kung saan ito nagmana ng pagiging straightforward.

Ang lakas ng tawa ng Daddy at Kuya Kennette nito. Maging si Tita Clara ay nakitawa na rin na may pag-iling pa. "That's my boy!" Sambit pa ng ama nito.

"Ehem!" Sabay-sabay kaming napalingon sa gawi ng tumikhim. "I'm sorry, nabulunan lang ako ng fried rice." Nag-ubu-ubuhan pa ito saka uminom ng tubig. "By the way Mom, what time tayo pupuntahan ni Aljur dito?" Pag-iiba nito ng usapan.

"I think mauuna na sila doon. Susunod na lang tayo sa kanila before lunch." Sagot rito ng ina. "Napaka-aga raw kasi sabi nitong Tito mo kung sasabay tayo sa kanila." Dagdag pa nito.

"Malapit lang naman kasi dito ang Batangas. Tapos overnight pa tayo doon. Kaya hayaan na nating mauna sila." Sabat naman ng kanyang step father.

"Yehey! Meron pa kaming time ni Ate Althea para mag-guitar. Dad marunong raw siya magplay ng guitar at tuturuan nya raw ako. Di ba Ate Althea?"

Nahihiyang napangiti ako dahil sa akin nakatutok lahat ng kanilang tingin. "Oo naman Kennette. Walang problema sa kin."

"Hindi lang pala maganda itong kaibigan mo Jade, talented pa. Pihadong lalo na nainlove sa kanya itong si bunso." Natatawang tukso na naman ni Tito Red sa anak.

"Dad, I don't want Ate Ganda make uncomfortable with me. She's an old sister like Ate Jade." Masungit nitong sagot sa ama.

"But you admitted that you had a crush on her." Sagot naman ni Kennette.

CRUSHY  BABETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon