Chapter Five

4.4K 193 6
                                    

Jade's POV 

Kanina pang tingin ng tingin sa akin ang bestfriend kong si Sally. Kunwaring hindi ko na lang siya napapansin. Hindi ko kasi maitago ang ngiti ko. Palage kong naaalala ang paghalik sa akin ni Althea na may dalang kiliti sa puso ko. Shit! Kinikilig pa rin ako sa halik na yon.

Tatlong beses akong nagkaroon ng boyfriend at lahat sila natikman ang mga labi ko. Pero bakit iba ang halik ni Althea? Nakakasabik at kay sarap ulit-ulitin. Never akong naattract sa isang babae. I swear to God! Ngayon lang talaga. 

Halos nakalimutan ko na si Peejay dahil  sa kanya. Wala na yong kirot sa aking puso na naidulot ng lalaking yon. 

Natapos ang klase namin na parang wala akong anumang naintindihan. Okupado ni Althea ang isip ko buong oras ng klase. 

Napapaisip ako ngayon kung napapanahon na bang maging girlfriend ko siya or kailangan na may something na ligawan pang mangyari between us. Kasi obviously ay pareho namin gusto ang isa't-isa. 

"Jadey baka mapunit na yang labi mo kangingiti." Hindi ko namalayang nakalapit na pala sa akin si Sally. "Dali mo naman makamove-on kay Peejay. Mukhang tinamaan ka agad sa David Chua na yon a."

I rolled my eyes and smirked. Then I shook my head. "Sally hindi ko type si David. Sabihin na nating.. hmm... may bago akong crush."

Napanganga sa akin si Sally at pinag-aralang mabuti ang itsura ng mukha ko. " Mukhang hindi lang naman yan crush Jadey e." Walang halong biro nitong sabi. "Subukan mo kayang humarap sa mirror. I think inlove ka na ulit girl! Tell me sinong malas na lalaki na naman yan, ha?"

Nanlaki ang aking mga mata sa narinig mula rito. Ganon na ba ako ka-obvious? Oh my gosh! Hindi ko alam kung paano ko ipagtatapat sa bestfriend ko ang tungkol sa amin ni Althea. Pihadong magugulat ito kapag nalaman niyang babae na ngayon ang nagugustuhan ko.

Hinampas ko ito sa braso ng very light. "Ah ganon, malas talaga ha? Grabe ka sa kin Sally. Bestfriend ba talaga ha?"

"Ito naman hindi na mabiro. Tara na maglunch sabay ka sa amin ni Paul."

Ngunit bumukas ang pinto at sabay pa kaming napatingin sa lalaking iniluwa nun. "David!" Sambit ko sa pangalan niya. Tiningnan ako ni Sally ng nagtataka look.

"Hi girls! Uhm.. Sally inaya ko kasi si Jade maglunch. Baka gusto mo na ring sumama sa amin."

"Thanks David! Pero kasabay ko magla-lunch ang boyfie ko. So pano? Mauuna na ako sa inyo. David ingatan mo tong bestfriend ko ha?" Tumayo na ito at humalik sa aking pisnge. "Bye! Jadey.. Enjoy your lunch date with David." Tinapunan ko ito ng masamang tingin pero tinawanan lang ako ng luka-luka. 

"Ano Jade, tara?"

Nag-half smile ako sa kanya saka ako tumango.

Althea's POV

"Best bakit mo ako dinala dito? Ang mahal-mahal ng mga food dito. Ano ka ba? Alam mo namang sakto lang magbigay sa akin si nanay ng allowance ko." 

"Ako ang bahala Althea.. Tingin mo pagbabayarin kita? Kailangan mo kumain ng mga healthy foods since sumakit ang tiyan mo kanina."

Hindi ko napigilang matawa. Sobrang sweet nitong bestfriend ko. Parang girlfriend ako kung ituring. "Ben bestfriend mo lang ako, okay? Hindi mo ako girlfriend para gawin ang mga bagay na ito. And one more thing Ben is kuripot ka. Alam na alam nang buong tropa natin yon."

"Pwede bang matuwa ka na lang kasi ginagawa ko ito?" Medyo inis na sagot nito. "Sabi mo nga kuripot ako, di ba? So sulitin mo na lang Thea. Minsan lang ako maging galante sayo."

CRUSHY  BABEUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum