Chapter Twenty

3.8K 155 3
                                    

Althea's POV


Pagka-uwi ko ng bahay ay si Sabel lang na aming kasambahay ang aking nadatnan. May event na naman kasi ang Galura's Catering. Birthday party ng isang batang lalaki sa ika-pitong taon. Medyo maliit na event lang kaya hindi na ako pinasunod ni Nanay.

Dumiretso agad ako sa kwarto ko at padapang ibinagsak ang aking sarili sa kama. Ang lungkot-lungkot kasi ng araw ko. Maghapon kong hindi nakita si Jade at naiiyak pa rin ako sa tuwing naaalala ko siya. Muli kong binalikbalikan ang mga masasayang araw namin. "Jade.." Bigkas ko sa kanyang pangalan habang diretso sa pag-agos ang mga luha ko. Namalayan ko na lang na nakatulog na pala ako.

Nagising na lang ako sa isang familiar na amoy ng pabango na nanggagaling sa taong nakayakap ngayon sa aking likuran. Pumihit ako upang tiyakin na hindi ako nananaginip lamang. "B-babe?" 

Nakapikit ito at bahagyang nagmulat ng mga mata at ngumiti sa akin. "I'm sorry Love. I miss you so much." Isiniksik nito ang mukha sa leeg ko at niyakap ako ng sobrang higpit. 

Hindi pa rin ako nakakabawi sa pagkagulat at feeling ko ay nananaginip lang ako. Tila naramdaman nito na hindi ako nagreresponse sa yakap niya. Kaya't muli itong nag-angat ng ulo at tumingin sa mukha ko. Waring nalungkot ito at bahagyang lumamlam ang mga mata na nagbaba ng tingin. Hinawakan ko siya sa baba upang muling itunghay ang mukha niya sa akin. Tinitigan ko muna ang kanyang mga mata pababa sa kanyang mga labi. Walang sabi-sabing hinalikan ko siya sa lips na sadya nitong iniawang upang damhin ang tamis ng aking halik. Ako naman ang yumakap sa kanya ng mahigpit pagkatapos. "Don't ever do that again, Babe." Bulong ko sa kanya. "I love you so much." Dinama namin pareho ang init ng aming mga yakap at nagtagal kami ng ilang minuto sa ganong posisyon. "I love you too, my love." Tugon nito sa sinabi ko.

"Wait love!" Sabay tulak nito ng bahagya sa akin palayo at naupo sa tabi ko. Bumangon rin ako at naupo paharap sa kanya. "About the cake nga pala. Iniwan mo lang sa kitchen laboratory." Nakasimangot nitong sabi sa akin.

Nanlaki ang mga mata ko sa kanyang sinabi. "P-paano mo nalaman ang tungkol sa cake?"

"See..? Wala ka ngang balak na ibigay sa akin." Anitong may paghihinampo sa tinig.

Malungkot na nagbaba ako ng tingin. "Hindi kasi ako nasatisfy sa creation ko. Parang may kulang kaya nahiya akong ibigay sayo. Gusto ko kasi perfect, kasing perfect ng kagandahan mo."

Hinampas niya ako ng mahina sa braso. "Love, ang ganda-ganda ng ginawa mong yon. Nakukulangan ka pa? Grabe ka! Ang taas naman ng standard mo kaya pati prof mo nagkakagusto sayo." Sabay irap nito na ikinangiti ko.

Hinawakan ko ang isa niyang kamay at seryosong tumingin sa mukha niya. "Babe iisa lang ang ibig sabihin. Wala kang kapantay!" Kinikilig na napatawa ito. "Teka sinong nagsabi sayo ng tungkol sa cake at paano mo nakita?"

"Chef Kathleen gave it to me. She told me the truth and we're okay now." Muli akong nalungkot dahil sa kanyang sinabi. "Hey! What was that? Hindi ba dapat na masaya ka kasi okay na kami ng Prof mo?"

"Babe kailangan ba talagang magmula pa sa ibang tao bago mo ako paniwalaan? You mean kung hindi pa lumapit sayo si Chef Kathleen ay hindi pa rin tayo magkaka-ayos, ganon ba yon?"

Natigilan ito sa aking sinabi. "I'm sorry Love. Hindi ko rin kasi maintindihan ang sarili ko e." Sabay tulo ng mga luha nito na labis kong ikinabahala.

"Hey! Don't cry Babe." I wiped her tears and hugged her again very tight. "Shh.. It doesn't matter anymore. I love you."

"I'm sorry talaga Love. Mahal kasi kita.. Naiinis rin ako sa sarili ko kasi palagi na lang ako nagseselos. Kung nagseselos ako kay Ben ay mas doble ang selos na naramdaman ko kay Chef Kathleen."

CRUSHY  BABEWhere stories live. Discover now