Ika-limang Sulyap

4.1K 74 2
                                    

Ika-limang Sulyap

"Sorry we're late sir." Late na kaming nakarating ni Nico. Ang akala kasi namin maaga pa. I mean ako, akala ko kasi maaga pa. Hindi ko alam kung bakit pumayag pa kong maggala pa kami sa iba. I even brought him at my alma mater, kung saan ako nag-elementary.

"Why are you late?" tanong niya kay Nico matapos non lumagpas yung tingin niya sa'kin. Yumuko ako't napanguso. Disappoinment. Iyon na ba ko ngayon? A disappointment? Is this going to affect my grade? Ngayon lang ako na-late. Anong masama sa isang beses na pagka-late?

"Sir it's my fault. I forced Summer to join me out. Actually, kanina pa kami nakapasok. Hindi naman namin alam na—" lumingon siya sa'kin. "—what time Summer?"

Bahagyang nanlaki yung mga mata ko. Nakatungo lang kasi ako the whole explanation na ginagawa ni Nico. The whole talk nila I wast just staring blankly at the floor and I have no idea what to say. Kaya nga nagulat pa ko nang tanungin niya ko. "A-ah ha?"

Nakita ko na naman yung pag-ngisi niya saka siya umulit ng tanong. "Anong oras yung resume ng klase?"

"Ah-ah. Si Pau kasi ang sabi niya half-day lang kaya maybe yung resume time natin sa hapon. 1PM." Paliwanag ko na parang siya lang yung kausap ko. Nginitian niya pa ko bago siya humarap ulit sa teacher namin.

"Okay I understand. Just promise me it won't happen again." Sabi pa ng teacher namin habang nakapamaywang yung isang kamay sa kaliwang baywang niya.

"Yes sir." Sagot ni Nico habang tumatango-tango lang ako. Sabay na kaming umupo sa upuan namin. Mabuti na lang at nakaabot pa kami at hindi pa gaanong nalalayo yung lesson kundi wala akong aasahan na pagko-kopyahan ng lectures. Sinong aasahan ko? My two bestfriends? Sila kaya yung usually nanghihiram ng lectures at sila pa yung usually nangongopya sa mga assignments and quizzes ko. Kaya malabong may asahan ako sa kanila at times like this.

"Something's fishy." Hm. Speaking.

"What?" I asked him back. Nagsusulat ako and I don't want anyone to disturb me when I'm jotting down notes. Then here he is. Walang ginawa kundi daldalin ako. Gah! Good thing I recharge my patience.

"Hininga niya 'yon. Amoy fish. I can smell it from here. Don't mind him, Summer. Magsulat ka lang. Hindi ako makapagpatuloy sa lecture e." Utos naman ni Jennifer na nasa tabi ko. Dismayado akong napapikit. Binaba ko pa yung ballpen ko saka ako tumingin sa harap.

"Wag niyong hintayin na itaas ko yung kamay ko at isuplong kayo." Bakit ba kasi ganito 'tong dalawang 'to. Kundi sisirain yung araw ko dahil sa panga-asar nila at sa mga nonsense nilang tanong. Pakikinabangan naman nila ako and worse magde-demand pa na akala mo pinapasahod nila ako. I won't give any damn anymore kapag nalaman kong bumagsak sila.

"Grabe ka naman Summer. Hindi ka ba naawa sa'min? We need to pass the upcoming CEE in this academy. Kung hindi patay na naman ako kay father nito. He'll right away get a box and send me via JRS express sa Cali. Kaya please." Pagmamakaawa pa niya. Umiling na lang ako saka nagpatuloy sa pagsusulat.

"If you don't want that to happen make sure to study by yourselves. I won't help you this time guys. Kahit na long time best friends ko kayo." Diretsa kong sabi. Saglit silang natahimik kasunod na lang ng pagbuntong hininga nila. Buong klase silang nagpumilit makinig kahit na feeling ko walang nagpa-process sa utak nila. This is one of the disadvantages of having me as their best friend.

Ako naman patuloy lang sa pagsusulat. Paminsa-minsang napapalingon kay Nico dahil lang sa pagtitig niya sa'kin. Excuse me. Konti na lang magmumukha na kong melted ice cream dito. If staring could kill someone, maybe I am already dead days ago.

"Can you buy me some ice?" wala sa sariling nasabi ko. I can't even concentrate now. Yung mga ngisi niya, yung mga titig niya. Hindi ko kinakaya kahit na anong pilit kong mag-concentrate. Eto na ba? Dumating na ba yung katapat ko? Maliligaw na ba ko ng landas? Shocks! Kapag nangyari 'yon pagtatawanan lang ako nila Jennifer.

Sa Isang SulyapTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon