Ika-dalawampu't Walong Sulyap

1.6K 32 0
                                    

Ika-dalawampu't Walong Sulyap

"I'm here to meet the president and the owner. I am this company's biggest investor." Nasa tapat na ko ng main entrance ng building ng mga Montero. And soon to be Montero-Alvarez company. 'yun ay kung matutuloy ang kasal nila.

"Ah sige ho Ma'am pasok na kayo." Sabi nung guard sa'kin. Kasunod ko yung driver ko na si Mico raw. Yeah, may kasamang "raw". Sabi niya pwede ko siyang maging bodyguard. I need a body guard din kasi just to secure me. May dala akong pera. Malay ko bang biglang may mang-holdup sa'kin dito.

"I have an appointment with Mr. and Mrs. Montero. Tell them I am the owner of Song Group of Companies." sabi ko sa secretary na nasa labas ng office nila. I tapped my fingers back and forth at the top of her table.

"Wait lang po ma'am." Ngumiti ako sa kanya saka ako tumayo ng maayos. Suot ko pa rin yung white blouse na suot ko kanina habang naka tuck in 'yon sa pencil cut skirt kong kulay beige.

"Yes ma'am. Okay." Rinig ko pang sabi niya roon sa kausap niya sa phone saka siya bumaling sa'kin.

"They're expecting you ma'am. Mr. and Mrs. Montero will see you now." Napangiti ako sa isipin na nasa isip ko.

Wala silang kaalam-alam na nagmumukha silang tanga sa mga ginagawa ko. Sige sabihin na nating I have no respect for them. Ganon din naman yung ginawa nila kay tatay. They're the reason why my father died. Ninakawan nila yung kompanya namin. And I have evidence.

"This way ma'am." Anyaya sa'min nung babaeng nakasuot ng silk gray skirt at coat. Iginiya niya kami papasok sa opisina ng mag-asawa. Nagpaskil ako ng malaking ngiti sa kanila saka ko sila nilapitan.

"Oh. Miss Song. Long time no see." Umupo ako sa couch na nasa receiving area nila. Nasa tabi ko pa rin si Mico na hawak yung case na may lamang pera. Halata namang hindi nila nagustuhan yung inasal ko dahil sa pagbabago ng ekspresiyon nila. Galing din naman nilang mangmata ng mga bad manners. Kung isa-isahin ko sa kanila yung ginawa nila. Magagalit din kaya sila sa sarili nila?

"Good afternoon President and Mister Montero." Pinindot ko saglit yung bluetooth earphone na nakasuot sa tenga ko saka ako nagsalita. Automatically kasi Pau will go back in line.

"So what brings you here?" Ngumisi ako. Dahan-dahan pa kong tumayo at naglakad papunta sa upuan ni Mrs. Montero saka ako umupo ron. This is going to be their last stay here. This is going to be the last day that they're going to be the president and the owner of this company. Mabagal kong hinaplos yung name plaque na gawa sa salamin.

"I'm here to tell you that.." ipinagpag ko yung alabok na nasa daliri ko saka ko sila seryosong tinignan. "..enjoy this day because this is going to be your last. Magbalot-balot na kayo ng mga gamit niyo dahil ako na ang bagong may-ari ng kompanya na 'to." Halata namang natigilan sila at halos himatayin na sa arte niya yung nanay ni Jhustine. Tss. Like mother like daughter.

"Anong sinabi mo?! How come na sa'yo na itong kompanya?!" nanggagalaiting tanong ng lalaking Montero sa'kin. Pumwesto naman ako sa harap ng table saka ako umupo ron.

"Natatandaan mo ba yung utang niyo sa isang company na hindi mo nabayaran? You failed to pay the capital. Ni yung interest nga hindi gumalaw. Sadly I own that company. Hindi ka ba nagtataka? That's just a small company pero nakautang ka ng ganon kalaki and to be clearer, you signed some contract there." Pumalatak ako ng ilang beses saka ako umiling-iling. Inilabas ko mula sa bag ko yung contract na may pirma nila saka ko ipinakita sa kanila.

"Brother company 'yon ng mga Song. So that means, kami ang pinagkautangan mo." Pakiramdam ko anumang oras ngayon sasabog si Mister Montero dahil pigil na pigil siya. Hindi naman ako ganon katapang para salubungin yung galit niya kaya pinalapit ko yung bodyguard kuno ko for today.

Sa Isang SulyapTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon